CHAPTER 20

11.9K 703 109
                                    

-----

"Hoy! Ayos ka lang? Natulala ka diyan."

Nabalik ako sa wisyo ng muling magsalita si ate Jasmin. Lumingon ako rito at nakitang nakatingin ito sa akin habang nakataas ang kilay.

Hindi pa rin ako makapaniwala at gulat na gulat sa nalaman. Kapatid nito si Dark na siyang ama ni Zaqui. Kapatid ito ng ama ng anak ko? Lumiliit na nga talaga ang mundo para sa mag ama. Pagkakataon na ang sadyang naglalapit sa dalawa at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa ideyang iyon. Wala namang masama na magkakilala ang mag ama.

Ngayon ay pumapasok na sa isip ko ang napapansin noon nina ate Jasmin na pamilyar na mata ng anak ko. Pamilyar ang matang iyon sa kanila sapagkat mata iyon ng kapatid ni ate Jasmin, na malamang ay palagi nilang nakikita. At kung gaano rin kagaan ang loob nila sa anak ko. Hindi lang pala magkakilala ang koneksyon namin dahil pamangkin na pala nila ang anak ko.

"A-Ah ate, pwede ba kitang makausap?" Kinakabahan kong tanong ng makabawi sa gulat.

Kailangan ko na siguro isabe rito sa kung ano ang totoong koneksyon niya sa anak ko. Na totoo niya palang pamangkin ito.

Kailangan ko na rin sabihin na huwag ipaalam sa kapatid niya ang tungkol kay Zaqui. Hindi ko pa kayang ipagbigay alam sa lalaki ang lahat sa ngayon. Hindi ko alam pero may iyon ang sinasabe ng isang parte ng isip ko, na huwag muna rito ipaalam. Darating rin naman ang araw na isasabe ko lalaki ang totoo. Ano man ang maging reaksyon niya ay tatanggapin ko. Kung hindi man ako ang magpakilala sa dalawa, alam kong pagkakataon na ang gagawa niyon.

Pero kung iisipin, sobrang bait ni ate Jasmin kumpara sa kapatid niya. Lahat yata ng may koneksyon sa lalaki ay mabait. Siya lang talaga ang hindi. Simula sa mga magulang nito. Sunod si Khian na kaibigan nito at ngayon naman ay si ate Jasmin na kapatid pala nito.

"Nag uusap na tayo duh." Pagsasalita ni ate Jasmin.

"I mean sa labas sana ate." Kinakabahan ko pang sabe.

Tumaas naman ang kilay ng babae at nawiwirduhang tumingin sa akin bago ito naunang maglakad palabas. Sumulyap muna ako sa anak ko at kay Khian bago sumunod rito.

"Ano ba ang pag uusapan at kailangan dito pa sa labas?" Kinakabahan naman akong tumigil ng tumigil na rin ito sa paglalakad.

"May s-asabihin kase ako, ate." Nabubulol kong sagot. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan sa pagsasabe ng totoo tungkol sa anak ko. Kahit wala naman akong maisip na dahilan para ikatakot.

Dahil ba sa baka isabe ni ate Jasmin ang totoo kay ate Jasmin sa lalaki? Eh ano naman kung malaman niya? Ayos lang naman sa akin na hindian niya kami. Hindi ko kailangan ng tulong niya. Napalaki ko na ang anak ko sa loob ng ilang taon at kaya kong ipagpatuloy iyon.

"Ano naman iyon at parang kabang kaba ka?" Nahimigan ko ng pagkainteres ang boses nito.

Bumuntong hinga ako bago sumagot.

"Tungkol kase kay Zaqui, ate." Panimula ko.

"Oh? Ano sa kaniya? Baka nakalimutan mong sinabe mo na sa akin na ikaw talaga ang nagdala sa sinapupunan mo sa kaniya. Yun ba ang gusto mong sabihin?" Saad nito bago pinagcross ang braso.

"Hindi yun, ate."

"Eh ano?"

"A-Ano kase ate..."

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon