CHAPTER 01

22.2K 939 289
                                    

-----

Napangiti ako ng mapait habang inaalala ang nakaraang gusto ko nalang mabura sa isipan. Nangyari yun 5 years ago.

Matapos akong makita ni tita Salve ay inampon ako nito at siya ang nagpalaki at nag alaga sa akin. Binigyan niya ako ng sariling apartment na matitirahan. Mga damit na masusuot at mga gamit na magagamit. Siya rin ang katuwang ko sa pagpapalaki kay Zaqui.

Noong una ay nagulat siya tungkol rito ngunit agad rin siyang naliwanagan. Kahit akoy napaiyak noon nang malaman ko na tanggap niya ako kung ano man ako. Lalo na nang sabihin nitong tutulungan niya akong palakihin ang anak ko. Basta raw magiging lola siya nito.

Yun lang ang kailangan ko nang mga oras na iyon, isang taong masasandalan.

"Mimi!" Agad akong napangiti at sinalubong ang bibong si Zaqui. Tumatakbo ito papalapit sa akin. Agad itong umamba ng yakap nang makalapit. "Tingnan niyo po mi oh! May stals ako galing kay teachel."

Kumalas ito sa pagkakayakap ko at itinaas ang kamay niya para ipakita ang stars na naroon.

Napangiti ako nang makita ang maliit na kamay nito na puno ng stars. Pati ang braso nito ay meron rin. Bulol pa ito sa r. L ang napapalit niya rito kaya cute na cute sa kaniya ang ang mga nakakasalamuha niya.

"Very good! At dahil diyan... bibili si mimi nang ice cream." Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ang panlalaki ng mata nito. Muli itong ngumiti ng wagas bago yumakap muli sa akin.

Napatawa na lang muli ako sa kabibuhan nito.

Siya yung naging dahilan kung bakit ako lumalaban at patuloy na lumalaban sa buhay. Siya yung nag iisang magandang balita noong mga panahong puro problema ang nasa paligid ko.

Niyakap ko ito pabalik at tuluyan na ring binuhat sa bisig ko.

"Tara na!" Wika ko bago nagsimulang maglakad patungo sa labasan ng paaralan ni Zaqui.

Si Zaqui ay anak ko. Oo, anak ko. Noong una ay hindi rin ako makapaniwala sapagkat lalaki ako. Ang alam ko ay hindi maaaring mag dala nang bata sa sinapupunan ang mga lalaki. Pero sa kaso ko. Meron akong case na malimit lang nangyayari sa tao. At yun ay ang pagkakaroon nang dalawang human sex organ.

Yun rin ang dahilan kung bakit may pregnancy test sa kwarto ko noong palayasin ako nina mama. Hindi man lang nila ako hinayaang magpaliwanag. Pero pag naiisip ko ang nangyari noon ay napagtanto ko na mas maayos nang nawala ako sa puder nila. Mas naging maayos ang buhay nila at ganoon rin ang buhay ko.

"Mimi? Anong iniiship mo?" Nabalik ako sa ulirat nang hagkan ni Zaqui ang pisngi ko at magtanong. Napangiti ako nang marinig ang pagkabulol nito.

"Wala baby ko. Iniisip ko lang ilang ice cream bibilhin ko." Agad nagliwanag ang mukha niya. Paborito niya talaga ang ice cream. Sa ice cream ko rin siya pinaglihi habang pinagbubuntis ko siya. Pinaglihi ko rin ito sa sikat na artistang si Khian Villanueva na matagal ko nang iniidolo.

Naalala ko kung paano ako nag aabang ng teleserye kung saan siya gumaganap at kung paano ako umiyak sa harap ni tita Salve habang nagmamakaawa na bilhan ako ng magazine na may mukha nito. Hindi kase ako pinapayagang palabasin ng bahay ni tita dahil maselan ang pagbubuntis ko noon kay Zaqui. Mabuti nga at naipanganak itong malusog at bibo. Pati si Zaqui ay idolong idolo ang lalaking ito ngayon. Tulad nung buntis ako ay palagi rin itong nagaabang nang teleserye ni khian at nagpapapicture kung saan man may litrato ni Khian. Naiiling na lamang ako kapag nangyayari yun.

Namana pa nang anak ko ang pagiging number one fan ko kay Khian.

"Mimi, pwedeng dalawa?" Bumaling ako kay Zaqui. Nakataas ang kamay nito at nakataas ang dalawang daliri. Agad nangunot ang noo ko.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon