-----
Lunes na naman at may trabaho na naman ako at may pasok ren si Zaqui. Narito ako at binibihisan ito. Huli kong isinukbit sa likuran nito ang napakacute niya ring backpack na galing pa kay tita Salve.
Nang matapos ay pinasadahan ko ng tingin ang anak. Kahit ano talagang isuot mo rito ay bumabagay sa kaniya. Cute na cute ito kahit sa ano mang suot.
Binuhat ko ito bago pinugpog ng halik sa leeg na ikinahagikhik naman nito. Mabuti nga at nawala na ang pagtatampo nito sa akin.
Tinulugan ako ni Khian para mawala ang pagtatampo sa akin ng anak ko na ikinapagpapasalamat ko sa lalaki. Ito ang nagpaliwanag sa anak ko kung bakit hindi ako nakauwi ng gabing iyon. Hindi kase nakikinig sa mga sinasabe ko si Zaqui. Nagkukunware itong walang naririnig. Kung wala si Khian, baka hanggang ngayon ay hindi pa ren ako pinapansin ng anak ko.
Nang makapagbihis na ren at maayos ang sarili ay tumuloy na ako sa baba habang buhat buhat ang anak ko.
"Mimi, nasan po si Daddy?" Pagtatanong ng anak ko habang nakahawak sa strap ng bag niya. Kinurot ko ang pisngi ng anak dahil sa kacute-an nito.
"Lagi mo siyang hinahanap. Mas love mo na ba si Daddy kesa kay Mimi?" Nagkunware akong nagpout sa harap nito. Hinawakan naman ng dalawang maliit na kamay nito ang pisngi ko bago ako hagkan sa pisngi na ikinangiti ko.
"I love you both po." Bibong sagot nito na mas ikinalawak ng ngiti ko. Muli kong kinurot ang pisngi nito.
Sakto nang makarating kami sa sala ay ang pagkatok ng kung sino sa pinto namin. Tumuloy ako roon at bumungad sa akin ang ngiting ngiting si Khian. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki. Gwapong gwapo ito sa suot niya.
"Daddy!" Nagpumiglas na naman sa bisig ko ang anak ko. Gusto nitong magpabuhat sa daddy niya kaya inabot ko ito kay Khian. Kinuha naman ito ng lalaki bago hinalikan sa pisngi.
"Tara." Tumango ako sa lalaki. Nag presenta ito kahapon na siya na raw ang maghahatid sa amin ng anak ko. Hindi sana ako papayag dahil baka nakakaabala na naman kami rito at may trabaho pa ito. Sabi naman ng lalaki'y wala raw siyang trabaho sa araw na ito kaya pumayag na lang ako dahil alam kong hindi rin naman papayag ang lalaki pag hinindian ko ito.
Ibinaba nito ang anak ko sa passenger seat. Ako naman ay sasakay na sana sa back seat ngunit tinawag ako ng lalaki. Nilingon ko ito at nakitang nakatayo pa ren ito habang hawak ang pinto ng sasakyan sa may passenger seat.
"Dito ka." Itinuro ng lalaki ang passenger seat.
"Pero nandiy-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita ito.
"Kakandungin ko si Zaqui." Pagputol nito sa sinasabe ko.
"Sigurado ka ba?" Tumango ang lalaki. "Naku wag na. Mahihirapan ka lang sa pagmamaneho. Tsaka napakalaki pa ng espasyo rito sa likuran." Pagtanggi ko rito na itininuro pa ang back seat. Papasok na sana ako sa back seat nang magsalita muli ang lalaki.
"Dito ka na sumakay." Pinal na wika nito . Ako naman ay napabuntong hininga dahil hindi talaga nagpapatalo ang lalaki. Sumakay ako sa passenger seat at kinandong ang anak. Marahan namang isinara ni Khian ang pinto bago umikot at kunin sa akin ang anak ko. Kinandong nito iyon. Si Zaqui naman ay tuwang tuwa habang nakahawak sa manibela ng sasakyan na ikinangiti ko ren.

BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...