CHAPTER 12

13.2K 655 120
                                    

-----

"Hoy! Okay ka lang?"

Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang boses ni Kiara. Nakatayo ito sa harapan ko at nakapameyawang. Kunot ang noo at tinatapunan ako ng nagtatanong na tingin.

"Okay lang." Sagot ko.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko rito dahil narito ako ngayon sa lamesa ko at dapat nasa ibang floor ang babae ngayon.

"Dinala ko lang itong papeles na ipinadala ni sir Alvaro. Dalhin daw kay boss." Itinuro nito ang pinto ni sir Dark. "Ikaw na magdala. Natatakot ako kay sir."

Pipigilan ko pa sana ang babae nang nagmamadali na itong umalis. Naiwan akong tinitingnan ang elevator na sasara palang at ang mukha ni Kiara na nagpapaumanhin habang nakapeace sign.

Napailing nalang ako ng tuluyan nang sumara ang elevator.

Sinulyapan ko ang papeles na nasa mesa ko bago iyon kinuha at kumatok sa pinto ni sir.

"Pasok."

Pumasok ako at tumuloy sa mesa ni sir. Hindi pa ito nag aangat ng tingin at nakatuon lang ang atensyon sa binabasa.

Inalapag ko ang papel sa mesa nito.

"Sir, ipinadala ito ni sir Alvaro." Pagsasalita ko.

Inangat naman nito ang paningin at sinulyapan ang papeles bago tumango.

"Si Mr. Alvaro ba ang nagdala sa iyo nito ng personal?" Tanong nito nang hindi man lang tumitingin sa gawi ko.

"Ah, hindi sir. Si Kiara po ang nagdala niyan rito." Paliwanag ko.

"Ms. Helliea?" Tanong nito.

"Oo, sir." Sagot ko.

Nang hindi na ito magsalita ay tumalikod na ako at naglakad paalis. Hanggang sa tuluyan na akong makalabas at makaupo sa upuan na para sa akin.

Medyo naboboryo na ako dahil sa katahimikan ng lugar.

Muli ko na naman tuloy naalala ang napagusapan namin ni sir kanina.

Paano kung sabihihin ko sa iyong hindi pa ako lasing ng gabing iyon?

Hindi ko nasagot ang tanong niyang iyon dahil may lumapit na kakilala niyang lalaki sa pwesto namin at kinausap ito. Matapos rin iyon ay umalis na kami roon dahil malelate kami sa trabaho kung hindi.

At yung sa tanong niya naman, halata namang lasing siya nang gabing iyon at may word rin na 'kung' sa sentence kaya ayaw ko mag assume.

Nawala ang iniisip ko binasag nang tunog ng stilettos na tumatama sa sahig ang katahimikan. Nag angat ako ng tingin at nakita ng mukha nang bruhang si sam na papalapit sa pwesto ko. Gandang ganda ito sa sarili habang naglalakad.

"Nandiyan ba si Dark?" Masungit na tanong nito ng makatigil sa harapan ko.

"Nandiyan nga." Sagot ko. Nagtitimpi ng panggigigil sa loob loob ko.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon