-----
"Let's eat." Masiglang sabe ni ma'am Alendra nang maibaba ng katulong ang huling putahe.
Ilang oras na pala kami rito sa bahay nila. Nag iisip tuloy ako kung may balak pa ba ang lalaki na bumalik sa trabaho. Kailangan pa naman kami roon.
Nang tanungin rin ako ng lalaki tungkol kay Zaqui kanina ay sumingit si sir Aki matapos ang mahaba kong katahimikan. Kaya hindi ko nasagot ang tanong ng lalaki. Laking pasasalamat ko kay sir roon.
"Oh, iho. Bakit di ka pa kumakain?" Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang boses ni sir Aki. Nag angat ako ng tingin at nakitang nakatingin ito sa akin.
"Ah, haha. May naisip lang ho." Sagot ko bago pinasadahan ang mga pagkain na nasa mesa. Nagmumukhang piyesta dahil sa dami ng mga pagkaing naroon. Alam ko ang iba pero ang karamihan ay hindi pamilyar sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang kukunin.
"Pakabusog ka, anak." Tumango ito.
Nahiya naman ako sa pagtawag nito sa akin ng anak. Tulad ng sinabe nito kanina na anak ang gusto nitong itawag sa akin. Gusto rin nilang mama at papa nalang ang itawag ko sa kanila na hindi ko pa rin sinusunod dahil nahihiya ako. Nakakailang na tawagin sila sa ganoon na hindi naman kami magkaanak.
Pinasadahan ko lang ng tingin ang pagkaing naroon at nahihirapan pa rin magdesisyon kung ano ang kukunin. Baka kase ayaw ko ng lasa ang makuha kong pagkain. Nakakahiya naman na hindi iyon ubusin sa harapan nila.
Pinasadahan ko rin ang mga taong naroon. Nakapalibot sa napakalaki at napakahabang lamesa. Nalulungkot tuloy ako para sa mga nasa kanan dahil nasa malapit sa kaliwang bahagi ang shanghai na malapit naman sa akin. Si sir naman ay abala sa pagaalis ng kung ano sa mga seafood na kinuha niya. Kamay lang ang ginagamit ng lalaki at nakasuot pa ito ng plastic gloves.
Nagulat ako ng may naglagay ng pagkain sa plato ko. Ngumiti ako bilang pasasalamat sa lalaking kapatid ng beking si Freddie na nakilala kong si John Rey. Katabi ko ito at nasa kaliwang bahagi. Ang katabi ko naman sa kanan ay walang iba kung hindi si sir Dark.
"Masarap yan." Sabe nito bago ngumiti at pinagpatuloy ang pagkain niya. Sinulyapan ko naman ang hindi pamilyar na pagkain pero mukhang masarap. Kinuha ko ang kutsara at kakain na sana ng kunin ni sir ang plato na nasa harap ko. Hindi ko tuloy natuloy ang pagkain.
"Ito ang sayo." Inilagay nito ang isang plato na puno nang pagkain na iba iba pero mostly ay seafood. Ang mga seafood na hinimay niya at inalisan niya ng shell at balat. Napatingin naman ako kay sir. Hindi na ito sa akin nakatingin at focus sa kinakain. Siya na ang kumain ng pagkaing ibinigay ni John Rey sa akin.
Napansin ko ring marami na palang nakatingin sa lalaki. Hindi lang ako. Mukhang nawiwirduhan ang mga ito sa ginawa ng lalaki na kahit ako man ay ganoon rin.
Iniwas ko na lang ang paningin sa lalaki at kinain ang binigay nito.
Narinig ko naman ang halakhak ni sir Aki na ikinaangat ko ng tingin mula sa pagkakayuko. Tumawatawa ito habang nakatingin sa anak niyang si sir Dark kaya nilingon ko si sir. Parang wala naman itong pakialam sa nangyayare. Tumigil rin si sir sa pagtawa pero di nawala ang ngiti sa labi.
Pinagpatuloy ko nalang rin ang pagkain at nahihirapang inubos ang binigay ni sir na pagkain.
Kumuha ako ng maiinom at iinumin sana iyon nang mabuhos iyon sa akin na ikinapikit ko ng mariin. Nakaramdam ako ng matinding kahihiyan ng maramdaman ang titig ng mga taong naroon. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa.
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...