CHAPTER 14

12.3K 643 38
                                    

-----

"Umiyak ka ba?"

Sandale akong tumingin lang sa lalaki bago ito sagutin.

"Hindi, sir. Mukha ho ba akong umiyak?" Pumeke ako ng tawa pero sa loob loob ay gusto ko nang umiyak. Nasulyapan ko ang swivel chair na inuupan nito kanina. Nahigit ko ang hininga at nanghina.

Ayaw ko na sa pakiramdam na ito. Ayaw ko na ulit itong maramdaman.

"Are you sure?" Tanong nang lalaki. Nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang mga kilay. Pantay ang guhit ng labi.

Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.

"Oo naman, sir." Sagot ko. Nagtunog tanong ang sagot ko dahil nagtataka ako sa ipinapakita at sinasabe ng mga mata nito. Nag aalala ba siya?

Tiningnan lang naman ako nito at hindi na nagsalita.

"Kung wala na ho kayong ipag uutos sir ay uuna na ako." Pinilit kong nilalabanan ang nga tinging ibinabato ng lalaki.

Nang hindi ito magsalita ay napagdesisyunan ko nang tumalikod at tuluyang lumabas ng opisina. Nang makalabas ay napahawak ako sa sariling dibdib.

Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong hininga at pumunta sa upuan ko. Itinuon ko nalang ang atensyon sa trabaho.

Dumaan ang maraming oras at tulad nang nakasanayan ay naboboryo na ako dahil sa pag iisa rito. Naiisip ko tuloy ang mga bagay na ayaw ko nang maalala.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Napaangat ako ng tingin. Naroon si sir at nakahanda nang umalis.

Nang maproseso ang sinabe nito ay napatingin ako sa sariling relo. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Uwian na pala.

"Ah, uuwi na rin sir." Inayos ko ang mga gamit at isinalansan ang mga papeles bago kinuha ang mga gamit at iniwan ang mesa.

Nagulat ako ng makita si sir na naroon pa ren sa pwesto nito kanina. Mukhang hindi man lang ito gumalaw roon. Sandale ko naman siyang sinulyapan bago nagpatuloy sa paglalakad. Nagpaalam muna ako rito bago ito nilagpasan.

Sumakay ako ng elevator at nakitang naglalakad na ren si sir papalapit. Nagdadasal akong sumara na ito at hindi na makaabot ang lalaki ngunit kasalungat noon ang nangyare. Nakahabol ito at napigilan ang tuluyang pagsasara ng elevator na ikinalaglag ng balikat ko.

Gusto ko siyang katabi at laging kasama pero hindi sa ngayon dahil hindi ko pa naaalis sa sistema ko ang nakita kanina. Nasasaktan ako at higit na mas masakit roon ay wala akong karapatan para sabihin.

Oo. Gusto ko siya pero ano roon? Hindi naman obligasyon ng taong ginigusto ang mga taong nagkakagusto sa kanila.

Tahimik lang kami habang pababa ang elevator. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa amin.

Hanggang sa makababa kami ay walang ingay na namutawi sa pagitan namin. Wala ren kaming nakasabayang iba. Minsan ay nararamdaman ko ang titig nito pero hindi ako lumilingon.

Tuloy tuloy lang akong lumabas nang elevator at hindi pinansin ang presensiya ng lalaki. Naglakad ako patungo sa labas ng building. Nang makalabas ay tumuloy ako sa kotse ko at sumakay roon. Hindi na ako nag abalang lumingon pa kung nakasunod ba ang lalaki sa akin at kung kasunuran ko lang ba itong lumabas.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon