-----
"Daddy!" Sabay kaming napalingon ni Dark sa bungad ng pintuan ng marinig ang sigaw ni Zaqui. Iniluwa ng pinto si Khian. Tulad ng nakasanayan ay may dala dalang plastic bag. Walang araw na pumupunta ang lalaki rito na walang dala at lahat iyon ay para kay Zaqui.
Ni-level ni Khian sarili sa taas ni Zaqui. Owtomatiko namang hinagkan ni Zaqui ang lalaki sa pisngi.
Nilingon ko si Dark na noo'y nakaupo sa isang sofa. Nakatingin rin ito sa gawi nina Khian at Zaqui. Wala naman akong nababasang lungkot sa mata nito pero halatang hindi nito gusto ang nakikita niya.
Bumuntong hininga ako bago lumapit sa pwesto nina Khian.
"Khian..." Pagtawag ko sa atensyon ng lalaki. Nag angat ito sa akin ng tingin. Pinagmasdan ko ang lalaki at napansing wala na rito ang tamlay na nakikita ko kahapon. Marahil ay sadyang pagod lang talaga ang lalaki sa trabaho kahapon kaya ganoon ito.
"Quin." Ngumiti ang lalaki na ikinasingkit ng mata niya. Itinaas nito ang kamay bago ilapit sa akin ang plastic bag na dala niya. Nagtatakang tinapunan ko iyon ng tingin bago ibalik ang tingin sa nakangiting mukha ng lalaki. "Para sayo."
Itinuro ko pa ang sarili upang siguraduhin sa lalaki na para sa akin ba talaga iyon. Ito kase ang unang beses na nagdala ang lalaki ng para sa akin. Madalas kase ay mga laruan at ice cream lang ang dinadala nito at lahat iyon ay para kay Zaqui. Bagaman nakikikain rin naman ako ng ice cream na dala nito.
Natatawang tumango ang lalaki bago mas ilapit sa akin ng plastic bag. Inabot ko iyon at nagpasalamat sa lalaki. Para sa akin nga.
Namilog ang mata ko ng makita kung ano ang nasa loob ng plastic. Mangga. Naalala ko tuloy ng minsan kong masabi sa lalaki na paborito ko talaga ang mangga at kung gaano ko iyon hinanap-hanap habang pinagbubuntis ko si Zaqui.
"Hala! Thankyou!" Muntik ko ng mayakap si Khian ngunit natigil ako ng maramdaman ang paghapit sa akin ng kung sino papalapit sa kaniya. Napasandal ako sa malaki nitong katawan. Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Dark.
Sinulyapan ako ng lalaki bago lingunin si Khian.
"Nabisita ka, Khian?" Wika ng lalaki. Nilingon ko si Khian. Nakita kong bumaba ang tingin nito sa kamay ni Dark na nasa bewang ko bago sumagot. Nawala ang emosyon sa mukha ng lalaki ng inangat nito ang tingin sa amin.
"Binisita ko lang si Quin at Zaqui." Ngumiti ito ngunit hindi ito umabot sa mata niya. Inayos nito ang pagkakabuhat kay Zaqui.
Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak ni Dark sa bewang ko, bago ako mas inilapit sa kaniya. Nilingon ko ang lalaki. Tulad ni Khian, wala ka ring mababasang emosyon sa mukha nito.
"Khian, sakto. Dito ka na mag-dinner." Wika ko.
"Hindi na. Dumaan lang rin naman ako rito para ibigay 'yan sayo. May nadaanan kase akong nagbebenta." Itinuro ng lalaki ang hawak kong nakaplastic na mga mangga.
"Dito ka na kumain. Anong oras na oh." Tanghali na rin kase. Baka gutom na ang lalaki. Mukhang napababayaan na nito ang sarili dahil sa trabaho.
"Hun..." Nilingon ko si Dark ng marinig na magsalita ang lalaki. Bahagya akong nagulat ng makita na sa akin nakatingin ang lalaki. Ako ba ang tinatawag niyang hun? "Baka may kailangan pang puntahan si Khian kaya mas mabuting mauna na siya."
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...