-----
"Quin?"
Napabaling ako sa kanang bahagi ng marinig ang pagtawag sa pangalan ko ng kung sino. Nakita ko ang isang lalaking nakatingin sa akin. Bahagyang nakakunot ang noo nito at tila namamangha sa nakikita. Pamilyar sa akin ang mukha niya pero hindi ko maaalala kung sino siya. Pati na ren kung bakit siya pamilyar.
Kumunot ang noo ko at pilit na inaalala kung sino siya at kung saan ko siya nakita.
"Quin. Ikaw nga." Pagsasalita nito ng makalapit na nagpatunay na ako nga ang tinutukoy niya. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil hindi pa ren naaalala kung sino ang lalaki.
"Ako to si Harold." Saad nito na marahil napansin ang reaksyon sa mukha ko na nagsasabeng hindi ko maalala kung sino siya. Bahagyang kumunot ang noo ko.
Napa 'ah' ako nang sa wakas ay maalala kung sino siya. Siya yung lalaking kasamahan ko rin nung party ni Freya sa lugar ren na ito.
Pagkakataon nga naman.
"Ah, ikaw pala Harold. Kamusta ka na?" Pagsasalita ko. Naiilang akong makipagusap rito dahil hindi naman kami close nito noon. Sa totoo nga ay noong party lamang ni Freya ko ito nakausap. Hindi kami nagpapansinan sa paaralan. Sinulyapan ko si Kiara na noo'y nasa tabi ko lang at nakatingin sa lalaki. Binalik ko ang tingin sa lalaki at napansing wala itong kasama.
"Ayos lang naman. Bakit ka nandito?"
"May dadaluhan lang." Simpleng sabe ko na naiilang paren sa kaniya.
"Ah kayo ba yung magpaparty sa loob?" Nagulat ako. Paano nito nalaman iyon? Kahit medyo naguguluham ay tumango nalang ako sa tanong nito at muling sumulyap kay Kiara na noo'y mukhang walang pakialam sa usapan namin. Nakapoker face ito at tila nababagot.
"Ah, si Kiara. Katrabaho ko." Pagpapakilala ko kay Kiara na nakatawag ng pansin ng babae. Tiningnan ako nito at pinanlakihan ng mata. Mukhang tutol ito roon pero wala itong nagawa kundi tanggapin ang kamay ng lalaki na noo'y nakalahad na.
"Eh ikaw? Bakit ka nandito?" Pagtatanong ko sa lalaki nang muli itong humarap sa akin.
"Dito ako nagtatrabaho" Itinuro nito ang bar at nagkibit balikat. Bahagya nitong isinamangot ang labi. Kaya pala alam nito.
"Ah, ganun ba. Sorry ah. Kailangan na naming mauna." Pagsasalita ni Kiara bago ako hinila papalayo roon. Nagpapasalamat ako kay Kiara sa panghihila nito dahil naiilang na talaga ako sa presensiya ng lalaki.
Nakita ko na susunod pa sana ang lalaki pero agad rin itong tumigil nang may lumapit sakanyang isang lalaki. Marahil ay kasamahan niya sa trabaho dahil pareho ang suot ng mga ito.
"Grabe ah. Nakipagchikahan ka pa. OP ako dun. Sino ba yun?" Umirap ito nang tumigil kami sa mismong entrahan ng bar. Dinig na dinig na mula rito ang ingay sa loob.
"Classmate ko noon." Sagot ko habang sumusulyap sa loob ng bar. Hindi pa ganoon karami ang tao at malinis rin ang lugar.
Mas mabuti pa pala ang mga nakaraang party na dinaluhan ni Kiara dahil sa isang resort iyon ginanap. Mas marami roong maeenjoy at hindi ganito kaingay sa club.
"Pasok na nga tayo." Muli na naman ako nitong hinila.
Nanuot sa ilong ko ang amoy ng alak ng makapasok palang kami. Mukhang amoy palang ay malalasing na ako.
BINABASA MO ANG
The New Boss Is My Son's Father [BxB]
RomanceTanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa mar...