CHAPTER 22

11.6K 609 122
                                    

-----

"Hindi ko siya kilala."

Sagot ko nang makakuha ng lakas para magsalita habang yakap yakap niya pa rin. Sandale kaming natahimik.

"Kung ganoon, bakit ganoon nalang ang pagpapahalaga sayo ng mommy ko?" Nagtataka nitong tanong.

Ako naman ay tinulak ang lalaki bago lumayo rito. Mukhang ayaw pa nitong kumalas sa pagkakayakap sa akin pero ginamit ko ang natitirang pwersa ko para makaalis sa yakap nito. Nagtagumpay naman ako.

"Hindi ko rin alam kung bakit ganoon nalang ang pagpapahalaga niya sa akin at sa anak ko. Naguguluhan rin ako." Seryosong sagot ko bago pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

Bagaman hindi ako lumuluha ay nalulungkot pa rin ako dahil sa katotohanang wala na ang ginang na nagligtas sa akin noon. Gusto ko pa naman sana ipakilala sa kaniya si Zaqui kung sakali at isabe rito na siya na ang anghel na niligtas nito noon.

Bumuntong hininga ako.

"Wag mong sisihin ang sarili mo dahil sinabe rin sa akin ni mommy na ayaw niyang sisihin mo ang sarili mo sa pagkawala niya." Seryoso ring wika ng lalaki na ikinalingon ko rito. Nakatingin na rin ito sa kalangitan at nakangiti ng mapait. Mukhang seryoso nga ang lalaki sa sinabe nito.

"Salamat." Pagsasalita ko. "Salamat sa iyo at sa mommy mo. Salamat sa lahat ng bagay na ginawa niyo para sa amin ng anak ko. Hindi ko alam kung papaano ko ba mapapalitan ang mga kabutihang ibinigay niyo sa akin." Sabe ko bago muling bumaling sa kalangitan.

"Hindi mo naman kailangan palitan dahil tumulong kami ng walang inaasahan o hinihinging kapalit." Pagsasalita nito. Muli akong bumaling sa lalaki at napangiti kahit hindi naman ito nakatingin sa akin.

"Ganiyan yata talaga kabait ang buong angkan niyo noh?" Serysosong wika ko. Narinig ko naman ang mumunting tawa nito na ikinalingon ko rito.

"Hindi kami ganoon kabait. Sadyang mabait lang kami sa mga taong mababait sa amin at sa taong mahal namin." Bumaling ito sa akin at doon nagtama ang paningin namin. Bagaman malungkot ang mga mata ay nakangiti ito.

Nilayo ko ang paningin sa kaniya at muling tumingala para tingnan ang mga bituin.

"So yun talaga ang dahilan kung bakit mo kami pinagtutuunan ng anak ko nang oras kahit busy ka? Dahil binilin iyon ng mommy mo?" Pagtatanong ko. Bumaling ako sa lalaki at nakitang nakatingin na pala ito sa akin.

"Hindi mo naman iyon kailangan gawin. Alam kong busy kang tao kaya alam kong nakakaabala na ang ginagawa mo para sa amin sa sarili mong buhay. Hindi mo na kailangan na sundin ang gusto ng mommy dahil okay lang naman kami. Masaya na kami." Dagdag ko. Ngumiti ako rito bilang pagkukumpirma.

"Hindi ka masaya." Pagsasalita nito. "Nakikita ko sa mata mong hindi ka masaya."

Hindi naman ako nakapagsalita at tumingin lang rito bago tumungo. Hindi ako nakatanggi dahil alam ko rin sa sarili ko na hindi ako masaya. Palagi nalang akong nakakaramdam ng lungkot nitong mga nakaraan.

"Sa totoo lang, noong una, ang dahilan ko lang ay ang bilin ni mommy sa akin pero nung mas makilala ko kayo, nagkaroon ako ng maraming rason para mas alagaan pa kayo." Dagdag pa nito na ikinaangat ko rito ng tingin. Bumalik na naman sa langit ang paningin nito.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon