CHAPTER 05

14.7K 755 91
                                    

-----

"Kain na."

Nag angat ako ng tingin at ngumiti bilang pasasalamat kay Justin. Ito kase ang nag presentang umorder para sa amin ni Kiara.

"Sus kayo ah." Hirit ni Kiara bago sinundot ang tagiliran ko na ikinakislot ko. May kiliti kaya ako sa parteng iyon. Sinamaan ko ng tingin si Kiara pero ngumiti at nagpeace sign lang ito.

"Bakit nga pala kasama mo si boss Khyro kanina?

Dahil sa tanong ni Justin ay nabalik sa isip ko ang pag aaya nito sa akin na kumain sa labas. Kahit libre iyon ay agad ko ring tinanggihan. Ayaw kong sumama sa kaniya dahil yun ang gusto ko. Nakakailang siyang tumingin. Dagdag mo pa yung mga nakakaasar niyang ngiti na mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Mukhang may masamang binabalak.

"Ah. Nagkasabay lang kami sa pagbaba. Sabay kaming sumakay ng elevator." Pagsisinungaling ko. Baka kung ano pang sabihin ni Kiara kung sabihin ko ang totoo. Hindi ko pa man gaanong katagal na kilala si Kiara ay kilala ko na ang pagkabungangera nito. Ginagawan niya rin nang malisya ang lahat ng bagay. Tulad nalang ng ginawa niya ngayon lang.

"Mukhang inaasar ka niya kanina eh." Sabe ni Kiara kaya bumaling ako rito.

Oo. Totoo ang sinasabe niya. Inaasar ako nang lalaking iyon. Isa na rin iyo sa dahilan kung bakit hindi na talaga ako tuluyang sumama.

"Ah haha. Nagbibiro kase kanina si sir. Eh hindi naman ako mahilig sa mga jokes." Pagsisinungaling ko ulit.

"Ganiyan talaga iyan si boss Khyro. Palabiro." Natatawang ani ni Justin.

"Oo. Kaya pati babae, ginawang biro." Umirap si Kiara.

Sabe na nga ba. Unang kita ko palang sa lalaking iyon ay mapapansin mo na sa awra nito na babaero siya. Marami kaya akong kilalang babaero rin at pare-pareho sila ng galawan. Tulad ng dude niya na abnormal.

"Pero ito ah. Yang si Sam, nakakagigil. Kala mo kung sinong maganda. Sarap bigyan ng uppercut." Umaksyon pa si Kiara na mananapak na ikinatawa ko. Mukhang ayaw na ayaw niya sa kung sino mang babae ang sinasabe niya.

"Sino ba yan?" Natatawang tanong ko.

"Yung babaeng nasa office na sir kanina. Yung nagmumukhang higad kakadikit kay sir. Di mo ba nakita? Ang alam ko ay nakarating ka na bago iyon umalis." Kunot noong nakatingin ito sa akin.

Unti unting nawala ang ngiti ko at napasimangot.

So Sam pala ang pangalan ng hipokritang iyon. Hindi ako masamang tao at hindi agad nanglalait ng tao kung di ko pa lubusang kilala, pero kung siya lang naman, aba willing ako magbago kahit ngayon na. May something sa kaniya na ikinakakulo ng dugo ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta nagsimula iyon nang masilayan ko ang mukhang pasol niyang mukha na kasama si sir kanina. Idagdag mo pa ang masamang tingin niya sa akin kanina. Hmp. Kung wala lang roon si sir ay nasambunutan ko siya.

"Huy maawa ka sa kinakain mo at lasog lasog na iyan." Nabalik ako sa wisyo at agad na tumingin sa kinakain. Tunay nga ang sinasabe niya. Dahil na rin yata sa panggigigil ko sa babaeng iyon ay ang pagkain ang napagdiskitahan ko. Kanina ko pa pala ito tinutusok ng tinidor na hawak.

"Gusto ko talagang nilalasog ang spaghetti bago kainin." Palusot ko bago sumubo ng spaghetti na nalasog ko na. Infairness, masarap siya.

Nawiwirduhan namang tumingin sa akin si Kiara samantalang tumatawa si Justin.

"Ang cute mo talaga." Kinurot ni Justin ang pisngi na ikinangiwi ko. Ang saket nun ah.

Tinapik ko ang kamay ni Justin na nakakurot pa rin sa pisngi ko. Natatawang binawi naman ni Justin ang sariling kamay.

Dahil nga sa dakilang tao ako na hindi nakukuntento hangga't hindi nakakaganti ay kinurot ko rin ang pisngi ni Justin. Mas diniinan ko. Gusto kong doble ng sakit nang pagkakakurot niya sa pisngi ko. Kaso ang lalaki ay ngumiti lang nang malawak at parang hindi nasasaktan. Mukhang enjoy na enjoy pa nito ang ginagawa ko kaya itinigil ko nalang.

"Ano ba yan? Di ka man lang nasasaktan." Reklamo ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang pamumula ng pisngi ni Justin kung saan ko kinurot. Naalarma at at the same time nakonsensiya kaya agad ko iyong hinawakan at hinimas.

"Hala sorry! Dapat kase umaray ka para nalaman kong nasasaktan ka na." Naiiyak kong sabe dahil sa konsensiya. Sobrang pula talaga ng pisngi niya. Maputi pa naman siya kaya kitang kita. Hinihimas ko pa ren ang pisngi niya dahil baka maibsan man lamang nun ang sakit at pamumula.

"Ayos lang ako. Namula lang naman." Iwas ang mata nito habang sumasagot. Hinahayaan lang naman nito na hawakan ko ang mukha niya.

"Iba na yata ang dahilan ng pamumulang yan. Hindi na yata dahil sa kurot." Kumunot ang noo ko sa sinabe ni Kiara.

Ano ang sinasabe nang babaeng ito? May iba pa bang dahilan kung bakit namula ang pisngi niya. Sa pagkaka alala ko ay wala namang mapula sa pisngi ni Justin bago ko ito makurot.

"May iba pa bang dahilan kung bakit namumula ang mukha ni Justin?". Bumaling ako kay Kiara at inalis na rin ang kamay sa mukha ni Justin.

Tumingin naman ito kay Justin. Pinanlakihan pa nito nang mata ang lalaki. Nawiwirduhan naman akong pabalik balik ang tingin sa kanila. Parang may komunikasyon sila gamit lang ang pagtitinginan.

"Ah hehe. Nauntog kase kanina si Justin." Tumaas naman ang kilay ko. Iniwas nito ang paningin at nagpatuloy sa pagkain. Ako nama'y nagkibit balikat at nagpatuloy na rin sa pagkain.

-----

Pasakay na ako ng elevator ng makasabayan ko ang dalawang may kaedaran na babae at lalaki. Parang pamilyar ang mukha nila.

"Ano ang trabaho mo dito, iho?" Napalingon ako sa lalaking may kaedaran at nakitang nakatingin ito sa akin.

"Ako ho?" Ngumiti naman ang lalaki pati na rin ang kasama nitong babae na sa tingin ko'y asawa niya. "Ah, secretary po."

Magalang na pagkakasabe ko. Bahagya akong yumuko dahil nahihiya ako sa atensyong binibigay nila.

"So ikaw pala ang bagong secretary ng anak ko." Agad nanlaki ang mata ko sa narinig. Kaya pala ang pamilyar ang mukha nila. Kamukhang kamukha ni sir. Ang mata pa ng may kaedarang lalaki ay katulad na katulad ng mata ni Zaqui.

"Ah ako nga po." Nahihiyang pagkukumpirma ko. Ngumiti ako sa mga ito na sinuklian naman ng dalawa.

"Maaari ko bang malaman kong ano ang pangalan mo?" Mahinhing tanong ni ma'am.

Ibang iba ang ugali ni sir sa mga magulang niya. Kung anong ikinabait nila ay siya namang ikinasama ni sir.

"Quin ho. Quin Saquillo." Sagot ko.

"I'm Alendra and this is Aki. Magulang kami ni Dark." Pagpapakilala ni ma'am bago inalahad ang kamay niya. Ako nama'y nahihiyang pinunasan ang sariling kamay bago inabot ang kamay ni madam. Sunod naman ay kay sir.

Bumukas na ang elevator at sabay sabay kaming lumabas. Ako'y tumuloy sa lamesa ko at sila nama'y pumasok sa opisina ni sir.

Mukhang may pag uusapan ang mga ito.

©Salamenct

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon