A/N : At para mas makilala pa ang aso't pusa....Simulan natin sa First Day!
Carrie's POV :
E-eto na ba yun???
Luminga linga pa ulit ako sa paligid at tsaka pinagmasdan ang malaking bakod sa harap ko..
Sure ba sila dito? I mean...School ba talaga to? Bakit napaka taas naman ng mga pader? Parang mga sindikato andito ah...May tinatago?
Tiningnan ko ulit ang address na nakasulat sa handbook na binigay ng principal..
Walang duda.. Eto na nga yun!
Nag aalangan pa kong lumapit habang sukbit sukbit ang backpack ko.
Phew! Ito na! First day of school!
Nang makalapit na ko sa gate ay may bigla namang humarang sa akin..
"Hep hep! San ka pupunta?"
Napatingin naman ako sa guard..
"Sa loob po."
"Hindi bat sinabi ko na saiyo kahapon na bawal ang pagtitinda ng isda dito,walang bibili sa iyo manang ! Puro mga anak mayaman mga nandyan!"
(---_______---!) Anak ng tokwa..Manang ah..
"Hindi po ako tindera kuya..Estudyante po ako !"
"Aba! Ngayon naman esudyante na ang palusot ! Parang nung kailan lang janitor, then teacher,tapos principal! Ay naku ewan ko sayo manang , umuwi na lang ho kayo wala kayong mapapala dito." Sabi ni kuya sabay tulak sakin palayo.
Aba!!!! Sumosobra na tong si kuya guard ah! Nakakaimbyerna na! Porke bat naka palda akong mahaba , maluwag na t-shirt at hindi maayos ang pagkakapusod ko ay Manang na! Bata pa ako noh! Baby face nga ako eh!
"Eh kuya ! Estudyante talaga ako! Tingnan mo oh! " At tsaka ko inilabas ang handbook ko."Eto po yung binigay sa akin ng principal!!
"Anak ng!! San moto nakuha manang!" At tsaka hinablot saakin ang handbook..
Ah buwiset!! Nakakainis na yung pag manang -manang nya sa akin ah! Nakakainsulto na!
"Naku manang ninakaw mo to noh! Tsk! Bakit ba sobrang desperada nyo na pumasok sa loob? Bawal nga po kayo dun eh! Kung hindi pa kayo aalis ay tatawag na ko ng pulis!"
Talagang nakakapikon na!!!!!!
BINABASA MO ANG
We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)
HumorParehong makulit....Parehong walang balak magpatalo.. Laging nagaaway..Konting salita ng isa ay para na silang bombang sasabog..Magbati pa kaya ang aso't pusa? Matahimik na kaya ang buhay ng mga ka estudyante nila? O magpatuloy pa rin ang gyerahan n...