Carrie's POV:
"Ahh! "
"Anak bilis! "
Inalalayan ako ni mama sa pagtayo at muli ay tumakbo kami sa masukal na kagubatan.
Muling bumalik ang kaba sa aking puso ng marinig ko ang mga yabag ng kanilang paa.
Paparating na sila!
Kahit na mabigat ay pinilit kong iangat ang suot kong mahabang bistida.
Saan kami pupunta? Iyon ang hindi ko alam.
Basta kailangan naming tumakas at baka maabutan nila kami.
"Hindi kayo makakatakas! Bilisan nyo! Hulihin nyo sila! "
Agad akong napatigil ng mapansin kong bangin na ang didiretsuhan namin.
Ngunit hindi si mama.
"Aaaaaah! "
"Mama! "
Hinawakan ko ang kamay nya at pilit syang iniaangat.
"Ma.. Sandali wag ka bibitaw. "
Ngunit ng oras na yun ay alam ko na. Alam ko ng hindi ko sya maililigtas dahil sa ngiting sumilay sa kanyang mukha.
"Anak iligtas mo ang iyong sarili. "
"Maaaaaaaaaaa! "
Bumitaw sya sa aking pagkakakapit at tuluyang nahulog.
Agad akong napasalampak sa mga nangyari.
Tila ba nawalan ako ng lakas.
"Carrie.. "
Ang boses na yun. Ang tanging pagasa ko sa sitwasyon ko ngayon!
"Justin! "
Agad akong lumingon at nakita ko syang nakatayong magisa.
Hindi ko maaninag ang kanyang mukha ngunit sigurado ako na sya yun dahil sa hugis ng pigura nya.
"Justin, tulungan mo ko. Iligtas mo ko! Madami silang-"
Agad akong napatigil ng makita ko ang nilabas nya.
"Ba-bakit mayroon kang-"
Itinutok nya sa akin ang baril at simula noon ay nagsilabasan na rin ang mga kasama nya na parehong may hawak na baril.
"Kalaban kita kaya bakit kita tutulungan? "
Ikinasa nya ang baril.
"Isa ka lang hadlang sa akin Carrie. "
'Bang!! '
Tuluyan akong bumagsak sa bangin ng tumama sa akin ang bala.
Ito na ba ang katapusan ko? Agad akong napapikit sa saklap ng mga nangyari.
Sobrang sakit, hindi dahil sa balang tumama sa akin kundi sa pakiramdam na parang trinaydor ka.
Bakit? Ano bang nagawa ko para mangyari lahat ng to?
Hinintay ko ang pagtama ng katawan ko sa matatalim na bato sa ibaba ngunit hindi ito nangyari.
Tumigil ang nadadama kong hangin mula sa aking pagkakabagsak at parang may sumalo sa akin.
BINABASA MO ANG
We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)
ЮморParehong makulit....Parehong walang balak magpatalo.. Laging nagaaway..Konting salita ng isa ay para na silang bombang sasabog..Magbati pa kaya ang aso't pusa? Matahimik na kaya ang buhay ng mga ka estudyante nila? O magpatuloy pa rin ang gyerahan n...