Chapter 37:

36 1 0
                                    

Carrie's POV:

"So ibig mong sabihin nagpakaligaw ligaw ka dito sa village namin para lang chismisin ako! "

Kulit kasi!  kanina pa ko tinatanong tungkol sa kung sino daw boyfriend ko. Eh wala naman ako boyfriend sarap dagukan!

Feeling ko talaga kasama talaga sya sa budul-budol, pareho sya nung unknown caller kanina eh!  Pinipilit na may boyfriend ako!

"Sino nga kasi... Wala ba kong karapatan malaman?  Friend mo naman ako eh! "

Pinaningkitan ko sya ng mata.

"Wala nga... W. A. L. A.  Kulit ng lahi neto!  "

"Eh bakit sabi mo sakin nung nandun tayo sa party meron? "

Napakunot naman ako ng noo dun.

"Sinabi ko ba yun? "

Napasapok na lamang sya sa noo nya.

Weird nya.

"So wala ? Wala talaga?  Carrie naman naguguluhan ako sayo eh! "

Hindi ko naman sya nasagot dahil inaalala ko pa yung mga nangyari nung panahon na yun.

May sinabi ba kong ganun?

Ah!

"Ay oo meron pala. He... he.. "

Naalala ko na sinabi ko pala yun para maprevent sya sa pangtitrip sakin.

Lumapit sya ng napakalapit sa mukha ko.

"Carrie,  please wag mo namang paglaruan ang feelings ko para sayo.  Hindi ko na alam kung anong iisipin eh. "

Napakurap-kurap naman ako sa sinabi nya.

Ano daw?

"O-oy ano namang ginawa ko sayo?  Wala naman akong ginagwa ah. Lumayo ka nga. "

Lumayo naman sya sakin pero sukat akalaing pinitik yung ilong ko!

"Araaaay! "

Reklamo ko habang hinihimas himas yung pinitik nya. Ang lakas nun ah!

"Manhid ka kasi! "

"Aba!  Hoy anong manhid!  Naramdaman ko yung pitik nun ah!  Masakit! "

Pero pinitik na naman nya ang ilong ko.

Aissh!!!

"Manhid na nga tanga pa. "

Bulong nya pero rinig ko rin naman kaya binatukan ko sya.

"Bubulong bulong ka dyan!  Hindi ako tanga! "

"Weh! "

"Di nga kasi! "

Akamng babatukan ko na naman sya pero tumakbo ba naman!

"Hoy!! "

At yun nga nauwi lang sa habulan ang away namin.

Hindi naman ako tanga eh.  Bakit ba ang hilig nilang sabihan ako nun.

Pareho sila ni Justin!

***

At dahil pareho pala kaming patay gutom ni Gabriel eh kumain na lang kami sa carinderia.

Nun ko nga lang nalaman na kumakain din pala sya ng isaw, balot at iba pang pagkain na di mo akalaing kinakain ng mayayamang katulad nya.

"Takaw mo! " Sabi ko sakanya sabay subo ko ng kwek kwek.

"Parang ikaw hindi ah. "

Pero nagulat ako ng lumapit ang kamay nya sa mukha ko at ginamit ang daliri nya para pahirin ang pagkain sa pisngi ko.

Natulala naman ako sa sinabi nya.

Ngumiti lang naman sya atsaka kumain ulit.

Ano ba yun?  Ang weird nya.

Kumain na lang din ako. Ala eh PG talaga.

"At dahil ayaw mo naman sakin sabihin kung sino boyfriend mo.. "

Napalingon naman kaagad ako sakanya.

"Bakit ba gustong gusto mo malaman kung sino? "

"Para malaman ko kung sino yung tutumbahin ko! "

(-______-!) Adik

"Eh kung ikaw kaya tumbahin ko! "

"Tsk.  To naman napakaprotective masyado. " Bulong naman nito.

"Para lang malaman ko kung sino mas gwapo.. sya ba o ako. "

Binigyan ko lang sya ng weird face bago nilapang ulit yung pagkain ko.

"At dahil nga ayaw mo sabihin, nakapagdesisyon na ko. "

"Ano? "

"Magkakaroon ako ng OPLAN  Finding Mr.  Asungot! "

Ano daw!

"Ano?  Anong asungot? "

"Tsk.  Hina naman neto. Para malaman ko na kung sinong asungot yang naging boyfriend mo! "

Tsk!  Batukan ko na kaya to?

Kaya lang tumayo na ako tatapon ko pa kasi yung plastic ng kinain ko.

"Tsk.  Bahala ka sa buhay mo! Dami mong trip! "

"Haha di ah ikaw lang naman trip ko! "

"Oo trip pagtripan! "

"Hindi ah.. trip mahalin! "

"Tsk.  Tigilan mo ko Stewart, wag mo ko igaya sa mga babae mo! "

Hindi ko na narinig ang sagot nya medyo malayo na rin narating ko , layo ba naman nung trash can!

Nang patapon na ko eh biglang may humawak sa kamay ko kaya bigla akong napasigaw sa gulat.

"You, cheater! "

_____________________

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon