Chapter 24

32 1 2
                                    

Carrie's POV:

At dahil walang pasok ngayon....

Maglalakwatsa ako!

Char! Joke lang..

Pupunta lang ako sa mall kasi may kailangan akong bilin.

Eeh parang ganun na rin yun haha!

Kelangan ko kasi palitan yung salamin na nabasag ko.

At dahil nga nabasag sya ng ganun kadali naisipan kong taasan na kalidad ng bibilin ko.

Mahirap na essential talaga para sakin ang salamin.

"Nay una na po ako!"

"San ka naman pupunta ha? Ala naman kayo pasok ngayon ah."

"May bibilin lang po ako."

Lumapit sakin si mama at hinalikan ako sa pisngi.

Wala din syang pasok ngayon kasi daw day off nya.

Inayos nya ang buhok ko at ngumiti sa akin ng makahulugan.

"Mukhang umiibig na ang anak ko ah! Ngayon ka lang natutong magayos ng buhok tapos di mo na rin suot yung napakalaki mong salamin!"

-_________- !! Kaya nga ako lalabas dahil dun eh!

Hinawakan ko ang clip na kasalukuyang nakakabit sa buhok ko.

Pero sabagay nakaayos nga ang buhok ko.

Naeexcite kasi akong gamitin sya eh! Bigay ni crush! Kyaaaaaah!

Okay tama na alam kong umay na kayo sa pagkakilig ko sakanya.

Hinalikan ko rin si mama sa pisngi.

"Sige na ma. See you later!"

***

"Ito o ito?"

Ano kaya dito sa dalawa.

Tsk! Parang di naman to kasing laki ng dati ko!

Binalik ko na lang yung dalawang salamin at tumingin sa iba.

"Ano ba naman yan. Kanina pa tumitingin hanggang ngayon wala pa ring napipili!"

Narinig kong bulong ng staff dito sa shop na nagaayos ng salamin.

Tch! Problema ba nila! Eh sa walang pang nerdy look na glasses dito eh! Palibhasa mall eh!

Dapat pala sa palengke-

"Naku pare mukhang tinamaan ka talaga ! Love at first sight!"

"Oo nga! Ano ng nangyari sa new gf every week policy?"

Omo! Mukhang kilala ko yung mga boses na yun ah!

Unti unti lang ang pagsilip ko sa kasunod na rack.

Shete sila nga!

Medyo nagpaliit pa ko para di nila ako makita.

Bakit sila andito??

Psh! -______- Malamang mall to. Tambayan ng mga walang mapaglagyan ng pera!

Teka bakit ba ko alalang alala?

Eh hindi nga ako pinapansin ng mga yan sa school eh!

Kung daan daanan lang ako ng mga yan kala mo hangin lang ako!

Tumayo ako ng diretso at muling tumingin sa mga nakalatag na salamin

Stop overreacting Carrie! Di ka naman kilala ng mga yan!

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon