Chapter 50:

24 1 0
                                    

Flashback...

Third Person's POV:

"Are we- I mean!  Ta-tayo ba malapit na? "

Napangiti na lamang ang driver sa sinabi ng kanyang amo.

Talaga ngang matalino ang bata dahil sa isang gabi lang ay nafamiliarize na sya kaagad sa wikang filipino.

"Yes sir. "

"I told you talk to me in filipino not english! "

"Paumanhin po sir. "

Napakamot na lamang ng ulo si Justin.

"What? "

'SREEEEEECH! '

"Aaaaaaahhhh! "


Biglang may tumawid na bata sa harap nila kaya naman agad na huminto ang driver.

"What happened?  Why did you stop? Is everything alright? "

"Sir I think I hit something."

Agad silang bumaba at nakita ang bata na napaupo sa sa lapag at hawak ang braso.

"Naku po ine ayos ka lang? " Agad na tanong ng driver.

Nang magtaas ito ng tingin ay agad na itong napasinghap.

"Waaaaah!!  Kayo yung kahapon ah! "

"Yeah you're that annoying kid who pushed me in the swing. "

Napakunot naman ng noo ang batang si Carrie.

"Ano daw kuya? "

"Sabi ko!  Ikaw... Ikaw ang tumulak sa ako- I mean akin!  sa swing! "

Ngunit imbis na magsalita ay kumunot lamang ang noo ni Carrie.

Lumapit ito sa driver at bumulong ulit.

"Nagtatagalog pala sya? "

Napairap na lamang si Justin sabay sabing...

"Lets go now,  we need to go to the playground! "

Iiwanan na sana nila si Carrie ngunit bigla itong sumigaw.

"Waaaaaah!  Aray ang sakit ng braso ko waaaaah!  Wag nyo kong iwan!! "

Sabi nya with teary eyed effect pa.

Madaming mga taong dumadaan ang nagbigay ng masasamang tingin kayla Justin kaya't napatapik na lamang ito ng noo.

Pinabuhat nya ito sa kanyang driver.

"Dont worry we will bring you to the doctor with the biggest injection! "

Hindi man naintindihan ni Carrie ay naalarma sya sa pagbanggit ng injection.

"Waaaaaaaah!!!  Ayoko ayoko! "

***

"Okay naman ang braso nya,  wala namang nabaling buto.  Siguro ay nabugbog lang dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama. Dapat ay ipahinga na lamang nya ito ng mabilis na gumaling."

"Okay salamat po Doc. " Sabi ng driver sa doktor na tumingin kay Carrie.

Bumalik sya sa kwarto kung saan sinasamahan ni Justin si Carrie.

"So its the freaking butterfly that you were chasing that's why-"

"Pwede ba pwede ba.. "

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon