Chapter 30:

41 0 0
                                    

3rd Person's POV :

Halos ilang minuto pa lamang naghihintay si Justin sa labas ng bahay nila Carrie ngunit hindi sya mapakali.

Hindi nya alam ang nararamdaman nya. Kung naeexcite ba sya , naiinip o kinakabahan.

Hindi naman ito ang first time na pupunta sya sa isang party ngunit ito ang unang pagkakataon na may kasama syang partner.

Napatingala na lamang sya sa kalangitan nagbabaka sakaling mawala ang kakaibang feeling nya.

Magkahalong kahel at ube ang kulay ng kalangitan, hudyat na malapit ng dumilim.

"Bakit ba ang tagal nya??"

Titingnan na nya dapat ang kanyang suot na wrist watch upang icheck ang oras ng biglang nagbukas ang pinto ng bahay nila Carrie.

"Oh Justin, heto na sya! Tingnan mo napakaganda nya!"

Masayang sabi ng mama ni Carrie.

Napatawa na lamang sya sa asta nito.

Nagabang sya sa paglabas ni Carrie, ngunit walang magandang binibini na lumabas.

Nainip na rin pati ang ina ng dalaga kaya napakamot na lang to ng ulo nya at pumasok ulit.

"Uy ano labas na! Hinihintay ka na ng boyfriend mo."

Hindi naman mapakali si Carrie at nagpapanic na tumingin sa ina nya.

"Ma naman! Itsura ko oh! Mukha akong suman!!!"

"Anong suman?? Anak naman..Labas na!"

Wala pa talagang balak lumabas ang dalaga kundi pa tinulak ng ina nito.

"Ma!!!"

Muntikan pang masubsob ang dalaga pero pinagtawanan lamang sya ng nanay nya.

Samantala para namang napako ang tingin ni Justin kay Carrie.

Kahit na busangot ang mukha nito sa pagkakatulak ng ina ay hindi pa rin maipagkakaila ang kagandahan nito.

Hindi nga sya nagkamali sa pagpili ng kulay ng dress na ibinili nya dito.

Light green at hanggang tuhod na cocktail dress, nakadagdag din ang pulang laso na nakatali sa waist nito sa pagkaganda nito.

Ibinaling ni Carrie ang atensyon nya kay Justin at nagulat sya sa intensity ng pagkatitig nito.

'Parang gustong manunaw!'

Mabagal ang kanyang paglakad dahil kahit papaano ay pinagmamasdan din nya ang binata.

Hindi nya maipagkakaila na bumagay ang suot nitong black suit sa kanya.

Mukha talagang mayaman.

Kung hindi pa nya nalalaman ang mga nangyayari ay aakalain nya na nasa isang modeling shoot ang binata dahil bumagay din ang sunset na nagsisilbing lighting dito at background.

Nang makalapit na sya ay tinitigan lamang nya sa mukha ang binata.

Ganun din naman si Justin sa kanya.

Mistulang nagshoshoot ng romantic movie ang dalawa.

Ngunit biglang nangunot ang kilay ni Justin.

"Bakit ang liit mo?"

Para namang gumuho lahat ng romantic feels ng dalaga at muli ay bumalik ang busangot na mukha nya.

Hinampas nya ng malakas ang binata.

"Matagal na kong maliit!"

"Ang ibig kong sabihin.."

Napatingin si Justin sa paanan ng dalaga.

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon