Chapter 51:

40 2 2
                                    

Flashback..

Third Person's POV:

Tahimik lamang na pinagmamasdan ni Justin ang mga kaganapan sa labas mula sa bintana ng kanyang kwarto.

"Now you know what will happen if you disobey your father Justin. "

Umupo ang kanyang ina sa tabi nya at dahan dahang pinat ang kanyang ulo.

Ngunit wala dito ang kanyang atensyon kundi sa kanyang mga libro na ngayon ay kasalukuyang tinutupok na ng apoy.

Simula ng malaman ng kanyang ama ang kanyang mga pinaggagawa ay ikinulong sya nito sa kanyang kwarto matapos na gulpihin.

Hindi pa ito nakuntento at kinuha ang lahat ng kanyang mga librong pambata at filipino books at saka ipinasunog.

Hindi na napigilan pa ni Justin na maluha ng makita nyang unti unti ng nilalamon ng apoy ang mga libro na nagturo sakanya kung paano ang maging isang tunay na bata.

Lahat lamang ng itinira sa kanya ng kanyang ama ay ang mga librong pang aral.  Mga libro na kahit ang mga matatanda ay katatamarang basahin.

"You should forget about what happened in the last few days son. That life is not for you.  You are not supposed to act childish ,ignorant and play with those pathetic kids! "

Hindi na lamang sumagot si Justin kahit na gusto nyang salungatin ang mga sinabi nito.

Alam nyang kahit na kailan ay hindi sya mananalo dito.

Ngunit sa kanyang isipan ay kahit na kailan hindi naging pathetic ang mga bata na kanyang nakasalamuha.

'I am the pathetic one not them. '

"If you really want to mingle with the kids your age.  I will bring you to a party to meet the sons and daughters of my Amiga."

Tumayo na ang kanyang nanay mula sa pagkakaupo at dumiretso na sa pinto.

"Ready yourself Justin,  we will go there in an hour."

Nang makalabas na ang kanyang ina ay saka lang sya nakahinga ng maluwag.

Inilabas nya ang kanyang kanang kamay na kanina pa nya tinatago.

"I wish she will remember me. "

Sabi nya habang inaalala ang mga huling sandali na kasama nya si Carrie.

"Wait!  Wait! " Ngunit hindi sya pinakinggan ng mga guards na ngayon ay kinakaladkad sya papasok sa kanilang sasakyan.

"WaaaahKuya sandali!!  Waaah!  Wag nyo syang hawakan! "

Pinilit na tanggalin ni Carrie ang mga kamay na nakahawak kay Justin ngunit huli na ang lahatTinulak sya ng isa sa mga ito upang makabitiw sya.

Malakas na naupo sya sa lapagDahilan upang umiyak sya ng malakas.


We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon