Chapter 34:

32 0 0
                                    

Carrie's POV:

Ughh....

Ang paa ko....

Paika ika ang lakad ko mula pa kanina.

Nastress ata ang mga muscles ko sa paa. First time kasing nakagamit ng killer heels kagabi.

Nabigla yata!

Papunta na akong Chronus ngayon at syempre dahil ginawa lang akong poorita ng ating magaling na author. Tiis tiis muna sa commute at lakad.

(A/N: May reklamo Carrie?? -__-!)

Hehe peace yow! (^___^) V

Ilang minuto lang ay nakarating na rin naman ako sa school.

"Hep hep hep!"

Bakit ba lagi na lang akong hinaharang nitong guard namin??

Nilabas ko sakanya ang id ko.

"Ano ba kuya?? Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin ako nakikilala. Porket ako lang ang magisang dyosang dumadaan dito sa gate nyo?"

"Naku ine kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo! Nyiii~~"

Tapos nanginig pa sya na parang nangingisay.

Tsk. Buset umagang umaga si manong binabadtrip ako!

"Itatanong ko lang kung bakit merong limousine na bumubuntot sayo."

Napakunot naman ang noo ko dun.

Ano daw??

Lumingon naman ako sa likuran ko at nakakita nga ako ng black na limousine,nakapark sa isang side.

"Eh kuya,nakapark lang eh."

"Anong nakapark? Oy kanina ka pa nyan sinusundan noh! Kanina habang naglalakad ka,mahina lang takbo nyan. Etong batang to! Hindi mo ba naririnig makina nyan?"

Hindi. Paano ko maririnig eh concentrated ako dito sa pasakit kong paa?

Tinitigan ko ng mabuti yung limousine.

Kung totoo nga ang sinasabi ni kuya...Sino sya?? O sila??

"Lagot ka baka mamaya nyan chugihin ka nyan."

"Bakit gusto mo ba kuya?"

"Aba hindi noh."

"Uy concern..."

"Sayang naman ikaw lang dumadaan dito sa walk in gate. Baka kalangawin na to pag nagkataon."

Buset (-______-!)

***

Pagdating ko sa classroom ay nagulat ako.

Paano ba naman si Trish bigla bigla akong hinarang.

Bakit ba trip ng mga tao dito na harangin ako ngayong araw.

Hinawakan nya ang magkabila kong balikat atsaka ako tinitigan sa mata.

Napakacreepy nya promise, lalo na hindi naman sya nagsalita at talagang ganun lang sya ng ilang minuto.

"Ano ba? Hahalikan mo ba ko o ano? Ang tagal ah.."

Sabi ko tapos ngumuso nguso pa.

Haha pinagtripan eh.

Binatukan naman ako ng lola nyo.

"Umamin ka nga sakin, umattend ka ba kahapon sa party ni cassanova?"

Syempre kahit di nya sabihin pangalan kilala ko na.

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon