Chapter 56:

26 2 0
                                    

Carrie's POV:

"Yaaaahh!  Wag ka namang mangaladkad!  "

Huhuhuhu sabi ng ayoko sa lahat nakakaladkad eh!

Nilingon naman nya ko at tulad ng kanina ay ngumiti ng abot hanggang tenga.

Sa totoo lang minsan parang nakakatakot na din ng ngiti nya hahahaha.  Hindi nga seryoso. 🤔

"Samahan mo ko gusto ko mamasyal"

Agad naman akong napatigil sa sinabi nya.

Ano daw?!

"Oy sandali lang.  Sandali nga muna! "

Kahit na napakahirap ay hinila ko ang kamay ko sakanya kaya napatigil sya.

"Bakit? "

"Kung gusto mo mamasyal ikaw na lang.  Hindi ako pwede may trabaho ako. "

Sabi ko sabay talikod paalis.  Jusko kung mahuli ako ngayon sa cafe baka talakan na naman ako ni boss. Nyiiiiii~~

"Wait. Sge na samahan mo na ko hindi namn tayo magtatagal eh tsaka ilang parks lang yung bibisitahin natin sige na. "

Sabi nya habang sumasabay ng lakad sakin.

"Hindi nga kasi anong oras na dapat nakaligo at nagpreprepare na ko ngayon. "

Tumigil sya sa paglakad kaya akala ko ok na pero nagulat ako ng bigla syang magsalita.

"Akala ko ba kaibigan kita. "

Anu dawwww???

Nilingon ko sya agad at nakita kong nakayuko sya at wait... Nakapout?!!

Agad na lang akong napakamot sa batok.

"Eeeh naman Gab diba madami ka namang pera maghire ka na lang ng tour guide. "

Lumapit ako sakanya at pinoke ang pisngi nya.

Hahahaha ewan ko ah pero bakit ang cute nya ngayon?? 

Nakayuko pa rin sya ng tiningnan  nya ko.  Oh my ghad teka nga mukhang nagpapaawa yung mata nya!

Omo bakit ba ang hina ko ngayon sa mga ganyan!

"Sila ba yung kaibigan ko? "

Naku patay.

"Eeeh Gabriel sige na... Pleaseeee kaya mo na yan malaki ka na. Malelate na kasi talaga ako eeeh.. "

Niyugyog yugyog ko pa ang braso nya para emphasis pero ang lalaking pabibo tinanggal ang kamay ko at lumingon sa ibang direksyon.

"Ayoko na sayo di na tayo bati! "

Aba!

"Uy walang ganyanan! "

"Niligtas pa man din kita kanina tapos sasamahan lang ako eh di mo pa ako mapagbigyan! Hmmmmp! "

Hay jusme para akong may kasamang bata.  Napahilamos na lang ako sa mukha ko.

"Paano pag pinagalitan ako ng boss ko? "

Agad ayang humarap sakin.

"Hindi ka nya pagagalitan kasama mo ko eh. "

Ano daw????

"O sige na sige na sasama na. "

"Yesss!  Tara! "

"Hoy wag kang mangangaladkad!

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon