Chapter 41:

37 0 0
                                    

Carrie's POV:

Naranasan mo na bang mainis sa sarili mo?

Yung tipong kundi lang sa sarili mo ikaw naiinis kanina mo pa najombag at nabatukan ang sarili mo?

Ako kasi.... NGAYON LANG!

Aaaargh...

Nagsimula ito ng papatulog na ko.

Maayos naman ang naging date kuno namin ni Justin,  sa totoo lang nga,  nasobra sa ayos.

Kasi hanggang sa paghiga ko sa kama at papatulog na ay pauli ulit pa ring nagrereplay lahat ng nangyari sa buong araw.

At ang mas malala pa ang puso walang tigil sa tibok.

Hindi naman sa ayaw ko na sya tumibok syempre masaklap yun baka mamaya madedu ako.

Pero alam nyo yung malakas na tibok na senyales na may gagawin na namang karebeldehan ang puso mo, magsasarili sya ng buhay at gagawin ang lagi at nakagawian nyang bagay na madalas ay ikinakapahamak nating mga nagmamayari sa kanya.

Hindi ko na kailangan pang sabihin,  alam nyo na yun!

Kaya ang resulta , eto bangag na nakatingala lang sa kisame, ng kwarto.  Kahit na halos alas dose na ng gabi at dapat ay nagsisyesta na ay eto ako ngayon nagbibilang ng mga crack sa kisame at ang ilang panaka-nakang pagdaan ng langgam at butiki.

Nyeta kahit ngayon para pa rin akong hinihika sa sobrang tibok ng traydor kong puso.

Totoo na ba to?

Ito na ba talaga yung tinatawag nilang.... LOVE?

Napailing iling ako.  Hindi pwede. Bakit si Justin? Paano nangyari?  Anong nagustuhan ko sakanya?

Eh sa dalas yata naming magkasama puro lang kasungitan ang pinapakita nya sakin.

Okay aminin natin noong mga nakakaraang araw nag turn ng 360 degrees ang pagtrato nya sakin.

Bumait ng onti.

Pero di sapat yun!

Mataas ang standards ko pagdating sa mga lalaki.

Pero paanong nahulog ako sakanya?

Siguro dahil naging sweet sya sakin minsan?  O kaya dahil sa natural na gwapo lang talaga sya?

"Yaaah!  Adik ka Carrie!  Pabaya ka kasi! "

Napabangon ako ng wala sa oras.

Waaaah anong gagawin ko?  Hindi pwede to.

Hindi pwedeng sya. Hindi ko to matatanggap , kasalanan mo to puso!

Okay alam ko para na kong baliw pero waaaah!! 

Siguradong pag nalaman nya to baka pagtawanan lang nya ko,  o kaya snobbin.  Ang masama baka mamaya magalit pa sya sakin at ipa murder ako.

Oy di ako nagooa.  OA din kasi yun.  Hindi natin alam kung ano kaya nya gawin.

Kailangan kong lumayo sakanya. Kalimutan tong nararamdaman ko.

Tama tama. 

Tumayo ako sa kama at naginat inat.

Kailangan ko ng distraction!

***

Achoo!  achoo! 

Ano ba yan!

Lumayo ako ng onti sa malaking maalikabok na kahon na nasa harapan ko ngayon.

Haha ito ang distraction ko ngayon.

Mga gamit ko to na nakatabi na di na nailabas mula nung naglipat lipat kami ng bahay.

Binuksan ko ito at inilabas isa isa ang mga gamit .

Sa totoo lang wala naman masyadong mamahalin dito,  alam nyo na poorita lang kami eh.

Mga albums, diploma, laruan,  uy may mga notebooks din kasi syempre nung bata uso diary haha.

At ang pinaka mahalaga sa lahat.

Kinuha ko ang litrato ko at ng papa ko.

Nakakandong ako sakanya at maliit pa lang ako dito. Siguro 2years old?

Taba ko nga nun eh, parang buddah.

Tapos si Papa naman,  medyo burado yung mukha nya.  Di ko alam kung bakit to nagkaganto pero parang natapunan ng tubig.  Distorted kasi yung kulay.

Simula ng makita ko to sa gamit ni mama na sabi nya eh susunugin na daw nya,  dali dali ko tong tinabi.

Ewan ko pero feeling ko kasi kailangan.  Parang feel ko na tatay ko tong nasa pic kahit na di ko na makita ng maayos yung mukha.

Kahit di ako sure.  Maganda sa pakiramdam yung may pinanghahawakan ka.

Nakaitim na suit sya tapos parang nakaupo sa isang office chair.

Sa totoo lang ilang beses na rin sumagi sa utak ko na siguro mayaman ang tatay ko.

Pwera kasi sa suot nya dito sa litrato ay binibilang ko na rin itong kakaibang kulay ng mata .

Di naman sa assumera ako pero syempre di naman ako engeng para maniwala na wala akong lahi at ipagpilitan na normal lang sa mga pilipino na magkaroon ng blue eyes.

Napabuntong hininga na lamang ako. Nasaan na kaya sya?  Buhay pa kaya ang tatay ko? Bakit kaya di namin sya kasama ngayon?

Kaya simula pa noon ginusto ko na lang itago ang mga mata ko, ang tanging alam kong minana ko sa papa ko.

Kasi di ko naman alam kung talagang nagmamalasakit sya sakin eh.

Nilapag ko ang litrato namin ang nangkalkal pa sa lumang kahon.

"Ay teka! "

Inangat ko ang isang bracelet na halatang mamahalin.

Silver lang sya na pabilog at may simpleng design ng anchor sa gitna. Panlalaki ang style.

Wala akong masyadong maalala sa bracelet na ito pero ang alam ko lang bigay to ng kalaro ko dati.

Baka kay Kuya Caleb.  Sya lang naman ang kababata kong lalaki na may kayang bumili ng ganito kamahal na bracelet eh.

Isinara ko na ang box at bumalik na sa kama ko dala ang bracelet.

Kailangan ko itong maibalik sa kanya.

____________________

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon