Chapter 28:

34 0 0
                                    

Carrie's POV:

"Lets go."

Nagulat ako ng higitin ni Justin ang kamay ko.

Tapos na ang klase namin at papauwi na sana ako pero mukhang may balak pa ata itong mangidnap.

"San tayo pupunta?"

"Sa puso mo."

"Ano?!!!"

Di na sya sumagot at hinila na lang ako.

Lakas din mantrip neto eh.

Hinigit ko ng malakas ang kamay ko kaya napabitiw sya.

"What?!"

Humarap sya sakin ng may bwisit na mukha.

Inunahan ko na sya sa paglalakad.

"Susunod naman ako sayo di mo na kailangan pang mangaladkad."

Remember ayoko ng kinakaladkad ako!

"Tsk!"

Nagulat na lang ako ng biglang nauuna na sya maglakad.

"Aiish!"

Binilisan ko din ang lakad ko kaya nauuna na ko sakanya.

"Psh!"

Pero binilisan nya kaya mas nauna sya sakin.

Syempre papatalo ba ko? Binilisan ko ulit!

"Ha!"

Alam nyo yung parang tumatakbo na kami pero palakad pa rin, para lang maunahan ang isat isa.

"Tss.Damn it!"

Hindi ko namalayan na napunta na kami sa parking.

Muntikan ko ng matamaan yung isang lalaki buti na lang hinigit ni pa-VIP ang kamay ko.

"Tss. Kulit kasi!"

"Pakielam mo ba!"

"Master." Sabi nung lalaki na naka black na suit.

Hindi naman sya pinansin ni pa-VIP at hinila lang ako papasok dun sa black car na katabi.

"Hoy kidnap to ah."

"Girlfriend kita kaya may karapatan akong isama kita kahit saan."

"Hoy temporary girlfriend. "

"Tss pwede bang tawagin mo ko sa pangalan ko hindi yung hino-hoy mo ko!"

"Hoy este Justin pala . Ayan ha! Bakit tagalog ka ng tagalog?? Nagbabagong buhay ka na ba?"

Napatigil naman sya sa sinabi ko.

"Wala kang paki."

"Aba...Okay lang yan. Andito ka sa pinas. Mahalin ang sariling atin. Gamitin mo ang wika natin!"

Sabi ko with hand gestures pa.

"Tss. Daming alam. Nagtatagalog ako kasi baka nahihirapan na yang utak mo na intindihin ako. Stupid nerd. "

"Aba! Hoy! Hindi ako stupid ha! Nerd lang!"

"Sabi mo eh."

***

"Woooooow...."

"Sara mo yang bibig mo."

Sinara ko naman kaagad at tiningnan ng masama tong katabi ko.

Grabe second time ko ng mapunta dito sa mansion nila pero iba pa rin talaga ang effect sakin!

Napakaganda!!!!!!

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon