Carrie's Pov :
Napanganga na lamang ako sa biglang pag sigaw nya.
Nak ng tokwa.. Syempre natakot na ko,sobrang galit na eh.Pero hindi ko ito pinahalata ,aba! wala syang karapatan! Ako biktima dito eh!
Nagsmirk ako sa kanya.
"If I say yes what will you-" Hindi ko na ito naituloy ng biglang humarang ang isang babae.
"Oy oy oy! Tama na!" Sabi naman nung humarang na it turns out to be ,the weird girl kanina.
Tumaas naman ang kilay nung lalaki . Bakla ata talaga ito eh!
"Hindi naman nyan sinasadya Jed.Hehe." Sabi naman nung girl tapos mabilis na hinawakan ang kamay ko.
"Ba-bago lang sya,pagbigyan mo na!"
Napatingin naman ako dun sa girl .
"Hoy anong hindi sinasadya? sinasadya ko- OUCH! ARAY NAMAN!!"
Pano ba naman kasi ,tinapakan ba naman ang paa ko!
"Sige una na kami ! Bye mga Dude!!!!" At tsaka ako hinila palabas ng mabilis.
"Teka , saan ba tayo pupunta?" Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nya binibitawan ang kamay ko at ang bilis pa nya maglakad, eh ang tangkad nya! Isang step lang ata nya,dalawa ko na!
"What were you thinking?!" Agad nyang ni lock ang girl's room at humarap sa akin.
"Hindi mo dapat kinakalaban ang lalaki na yun!"
At bakit naman hindi? Bakit ba parang napaka VIP naman ng lalaki na yun?!
"Tsk! Sya naman ang may kasalanan nun,bakit di ko sya papatulan? AT teka nga muna..Sino ka ba? Bakit mo ba ko kinaladkad dito? Di naman tayo close.Di nga kita kilala eh!"
Nagulat naman sya sa sinabi ko . Bakit kaya?
"Hi-hindi mo na ba ako natatandaan?"
BINABASA MO ANG
We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)
MizahParehong makulit....Parehong walang balak magpatalo.. Laging nagaaway..Konting salita ng isa ay para na silang bombang sasabog..Magbati pa kaya ang aso't pusa? Matahimik na kaya ang buhay ng mga ka estudyante nila? O magpatuloy pa rin ang gyerahan n...