Chapter 57:

9 1 0
                                    

Carrie's POV:

"Sigurado ka bang di mo sya ex? "

Nakadungaw lang kaming dalawa ni Kuya Oliver sa bintana ng cafe.

Kasalakuyan kasing nasa labas si Gab at nagseserve sa mga customers na nakaupo sa terrace.

Oh diba sipag namin?  XD

"Oo. "

"Eh bakit andito sya?  Nagtatrabaho kahit wala namang sweldo? "

Napakamot na lang ako sa ulo.

"Di ko din alam eh. "

Sa totoo lang sa tatlong araw nyang pagtatrabaho ay iyan din ang kinukulit ko sakanya.

Bakit ba sya tumutulong sakin?  Bakit ba sya nagtatrabaho dito?  Bakit ba sya nasa baguio?

Yaman yaman nya eh nagpapakahirap sya dito magseserve sa customers.  Nung minsan nga nagulat pa ko tinulungan pa ko maghugas ng mga plato.

Eh baka nga maghain lang para sa sarili nya may maid pa na tagagawa para sakanya.

"Magingat ka Carrie. "

Agad naman akong napatingin kay Kuya.  Bakit biglang sumeryoso?

"Siguradong may balak yan. Walang taong gumagawa ng kabutihan sa kapwa na libre,  lahat sila may rason.  Lahat sila may kabayaran. "

Tama sya.  Kung ano mang rason ni Gab kailangan ko na talagang malaman kung bakit.

Tama tama... Sobrang high level na din kasi ang curiosity ko.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Gab at nagulat na lang ako ng nakatingin din sya sakin.

Matagal din kaming nagkatitigan at sa totoo lang habang tumatagal ay parang may kaba na nabubuo sa puso ko.

Ano bang rason mo Gab?

Ngumiti sya at unang nagalis ng tingin dahil tumunog ang phone nya.

Pumunta sya sa may tagong parte ng restaurant kayat nawala na sya sa paningin ko.

"Alam mo kuya minsan nga naweweirdan ako dyan sa lalaki-kuya? "

(-______-!)  Jusme wala na pala sa tabi ko.

Lumabas na lamang ako at sinundan si Gab.

Tatanungin ko sya at this time dapat may sagot na sya!

***

"Yes. Im with her right now in the cafe. "

Nakatago lamang ako sa mga halamanan habang nakikinig sa kausap nya sa phone.

Nagfefeeling spy ako hahaha! Angelina Jolie in action!

Kumunot ang noo nya habang nakikinig sa kabilang linya.

"You want to meet her?  "

Mahina at mabagal nyang sabi.

"Okay. After her shift here. "

Nagusap pa sila ng ibang bagay pero hindi na ko nakinig at umalis na sa pwesto ko.

Hindi ako tinatawag na nerd para sa wala lang.  Hindi ako tanga para hindi malaman na ako ang pinaguusapan.

Huminto ako at huminga ng malalim.

Wag lang talagang mangyari na konektado sya sa tatay ko.. Kakalimutan ko ang pagkakaibigan namin.

***

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon