Chapter 58:

28 2 0
                                    

Carrie's POV:

"Carrieeeeeeee! "

Hindi pa man ako nakakalabas ng building ay naabutan na nya ako at agad na hinila ang braso ko.

"Bitawan mo ko! "

"Why are you running away? "

Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak nya sakin.

"Bakit mo ko dinala dito?!  "

Mangiyak ngiyak kong tanong sakanya.

Nanlumo ang mukha nya ng makita ang expression ko.

"This is all for you. Para sa ikabubuti ninyong dalawa magina. Alam ko kung gaano kayo nagsstruggle ngayon financially,  na hindi naman talaga dapat mangyari because your father is a multi-millionaire for pete's sake. If you will just give him a chance-"

Napantig ang tenga ko ng marinig ko ang sinabi nya.

"Para sakin?!  Sino ka para malaman kung ano ang nakakabuti sakin?! You dont know me Gabriel! At hindi mo rin alam kung paano kami naghirap magina ng dahil sa tao na yun! "

Tinuro ko ang lugar kung saan naroon ang aking ama.

"Stop meddling in my life!  Ikaw pa na kaibigan ko ang gumawa nito sakin! "

Tumingin ako sakanya at nakita ko naging stiff sya.

Huminga sya ng malalim saka inihilamos ang kamay sa mukha.

"Yeah you're right.  I dont know you Carrie. I really dont.. BECAUSE YOU NEVER GAVE ME A CHANCE IN THE FIRST PLACE! Everytime that im with you,  your mind is always preoccupied with something else,  everytime that I try to get close to you,  there are always pieces of you that you hide from me! Even in the last days that im here with you,  I asked you many times why you're hiding here but you never even considered to answer!  What do you expect me to do with you huh?!!!! "

Napaatras ako ng lumapit sya sakin.

Mangiyak ngiyak na rin sya kaya naman tumingala sya upang pigilan ang mga luha nya.

Napayuko ako.  Tama sya.

Ilang beses nya rin akong kinukulit ng nakaraang 3 days kung bakit ako nandito sa baguio pero hindi ko sya sinasagot dahil napakamysterious nga ng stay nya dito.

"I care for you..  A lot.  But I guess that you dont see it because there is someone blocking you from me."

Sinabi nya ng hindi nakatingin sakin.

"And for the record.. I have a right to be involved and to know everything about your life. "

Agad akong naalarma sa sinabi nya.

"Bakit? "

"Because im your fiance. "

Ako naman ang nanigas sa kinatatayuan ko.

Habang prinoproseso ng utak ko ang mga nangyayari ay hindi ko na naiwasang ikuyom ang palad ko.

Fiance?!  Ako?!  Wag mong sabihing gusto ng magaling na tatay ko na ulitin ang kagaguhan na ginawa nya dati.  Ang dahilan ng lahat ng paghihirap namin ni mama sakin?!

"So hanggang ngayon pala puro pnya!  pa rin ang priority nya? "

"What? "

"Kaya nya ko gustong makita ngayon ay para sa engagement kuno na yan tama ba?  Hindi na nga sya naging ama sa akin mula pa ng bata ako tapos ngayon gusto pa nya ko ipamigay sa iba para lang sa ikadadami ng pera nya "

Nanginginig ako ngayon sa galit.

Ano bang ginawa ko para magkaroon ng bastardong tatay na katulad nya.

"You dont understand -"

"Wag ka ng magpapakita muli sakin Gab.. Please.  Kung talagang nagcacare ka sakin,  layuan mo na ko. Kahit na kailan ayokong magkaroon ng koneksyon sa tao na yun. "

Bumagsak ang balikat nya sa sinabi ko.

Tumalikod na ako upang umalis ng humawak ulit sya sa braso ko.

Tatanggalin ko na sana ang hawak nya ngunit natuod ako ng makita kong may luha na tumakas sa mata nya.

"And where are you going now?  To him?  Are you going to meet Justin?  That Davis will never treat you the same again!  Now that almost everyone know your true identity he will loathe you! "

Tinanggal ko ang kamay nya atsaka naglakad muli.

I know Gab.. I know.

***

Halos mahaba na rin ang nalakad ko at nakalayo na rin ako sa restaurant.

Kahit na masakit ang paa ko ay hindi ko manlang magawang tumawag ng taxi.

Masyado akong nadrain sa mga pangyayari ngayon.

Nagulat ako ng may biglang pumatak sa paa ko.

Umuulan ba? 

Tumingala ako para tingnan kung nakikiramay ang langit sakin.

Hindi.  Galing ito sa mata ko.

Pinunasan ko ng kamay ko ang pisngi kong puno ng luha.

Hindi ko manlang napansin na kanina pa pala ako umiiyak.

Iyakin talaga ako kahit na kailan! 

Ang hirap kasi eh.. Ang sakit sakit.

Akala ko.. Umasa ako kahit kaunti na gugustuhin talaga ng tatay ko na makasama ako,  na balikan ulit kami pero hindi.

Ang mas masakit pa dun gusto nya lang ako makita para lang ipamigay muli.

Ipagagawa pa nya sakin ang ginawa nyang kasalanan kay mama kaya sila naghiwalay.

Bwisit lang.

Tumingin ako sa daan na tinatahak ko.

Saan ako ngayon pupunta?  Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito.  Magtatanong sila,  si mama.

Muli akong napahagulgol ng maalala ko si mama.

Anong gagawin ko? Pag nalaman to ni mama baka mas lalo syang masaktan sa mga nangyayari.

Lilipat na ba kami ng bahay.  Panibagong buhay na naman ba?

Napatigil ako sa paglalakad ng makakita ako ng pamilyar na pigura.

Nakatingin din sya sakin at nakasandal sa kotse.

Ang sabi nila nagiba ka na.

Ang sabi nila hindi na ikaw ang dating Justin na kilala ko.

Ang sabi nila kaaway na ang turing mo sakin.

Pero bakit andito ka?

Gusto kong humakbang papunta sakanya.

Pero hindi. Mali.  Bawal.  Dahil magkaaway kami.  Literal.

Umakto syang lalapit sakin pero napaatras ako.

Wag Justin.  Hindi ko na kaya pang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko.

_____________________________

A/N: Vote and comment kung nagustuhan nyo ang chap.  O kaya may rants kayo xD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon