Chapter 25:

32 1 1
                                    

Carrie's POV:

"...tapos mukha talaga silang couple nun nung naglalakad sila. Si Sherlyn kala mo girlfriend kung makadikit kay Caleb. Sa tingin mo si-sila na?"

Para lang akong bata na nagsusumbong sa tatay.

Tumingin lang sa akin ng diretso si Aiden.

"Talagang patay na patay ka sa President natin noh? Talagang binabantayan mo bawat galaw nya."

Sabi nya sabay taas taas ng kilay nya.

Tsk! Tsaniin ko yan eh!

Andito na kasi ako sa school ng maaga at dahil maaga din si Aiden ay naikwento na sakanya ang hinanakit ko.

Hehe syempre pwera na lang yung dun sa pangungulit ng Gab na yun kahapon.

Kinurot ko naman sya na syang pinamalipit nya sa sakit.

"Hindi ba pwedeng nandun lang din ako sa mall ng mga oras na yun tapos saktong nakita ko sya!"

Tinawanan lang naman ako ng mokong.

Tss. Bakit ba kasi kwinento ko pa sakanya yung kahapon??

Haaay...Ano pa nga bang expect mong matinong sasabihin nyan?

"Haha. Gumaganti lang naman ako. Lagi mo kasi akong inaasar kay Trish eh."

Ah ganun ha...gantihan. -______-

"Eh bakit totoo naman yung nakikita ko ah. Talaga namang may feelings ka para sa kanya eh!"

"Hoy!"

"Oh ano? Sige sabihin mong wala!"

"Wa-wala!"

"Haha eh bakit nag iistutter ka!"

"Aish!!"

Haha sarap asarin ni Aiden!

"Eh baka naman kayo magkatuluyan nyan."

Napalingon kami ng biglang may nagsalita sa pinto.

O em gee!! Kill me please kyaaaaaah!!! Nakakahiya!

"Kanina ka pa dyan Caleb?"

Tanong ni Aiden sabay makahulugang tumingin sa akin.

"Haha hindi kakapasok ko lang."

Naglean sakin si Aiden at bumulong.

"Ligtas ka!"

Nasapak ko tuloy.

"Caleb oh!"

Pagsusumbong naman nya sabay turo sakin.

Woooh! Nakakainit talaga sya ng ulo!

Tinawanan lang naman sya ni Caleb.

Maya maya pa ay nagsidamihan na rin ang tao sa room.

"Oy long time no see ah!"

Sabi naman sakin ni Trish sabay kuha ng kamay ko.

Ano namang-

"ARAAAAAAY"

Naiiyak ako hinawakan ang kamay ko ng bitawan nya to.

Alam nyo yung handshake na tipong nambabali ng daliri??

Ganun eh!

Tinawanan lang naman nya ko.

"Namiss kasi kita!"

Buset bayolente talaga!

*Boogsh!*

Agad naman kaming napalingon sa estudyanteng kay aga aga ay dinadabog agad ang pinto.

None other than...

"Caleeeeeb!!!!! Bakit mo naman ako hindi inantay! Hinanap pa naman kita sa baba."

Tsk. Si Sherlyn pala. Kala ko pa naman si Justin bibigyan ko sana ng napaka gandang intro haha!

Lumapit sya kay Caleb at tulad ng dati ay kumapit na kala mo dun nakasalalay ang buhay nya.

Ang ikinagulat ko lang ay ang pagtingin nya sakin ng makahulugan.

Tsk. Nanghahamon!

Teka asan na ba ang mentor ko sa laban na to ha??

*Booogsh*

Ooh speaking of the de- este angel na pala. Sya pala tutulong sakin haha!

Busangot ang mukha nya ng pumasok sya sa room.

Teka hindi normal na busangot parang...galit?

Alam mo yung tipong any moment pede ng labasan ng apoy. Ganun eh!

Oh well.. Never mind..Ngayon lang ako naging masaya na nakita sya haha!

Patalon talon pa kong lumapit skanya.

Papaupo na sya ng matigil dahil nga lumapit ako.

Mas lalong nagsalubong ang kilay hala!

"Good morning! "

Lumapit ako sakanya para bumulong.

"Oy,tulungan mo na ko. Nalalamangan na ko ni Sherlyn oh! Kahapon pa yan!"

Nakita ko ang pagigting ng panga nya at mas lalong sumama ang tingin nya sakin.

Ano ba...sakin ba sya galit?

Makaalis na nga lang baka lapain pa ko nito eh!

Pero bago pa ko maka galaw ay marahas na nyang kinuha ang braso ko.

"Before you seek my help will you atleast do your job as my girlfriend!"

Galit nyang bulong sakin.

Ano daw?!!!

"Gagawin ko naman...sa harap ng parents mo diba?? Eh wala ka pa namang sinasabi na gagawin ko ha! Bakit nagagalit ka!"

Medyo napalakas yung bulong ko kaya tumingin ako sa buong paligid

Shems! Halatang nagaaway kami! Nakatingin silang lahat!

Kasalanan naman to ni pa-VIP eh! Bakit ba nagsisimula sya ng away!

Paalis na ko ng bigla na naman nyang higitin ang braso ko.

"After classes youre going with me nerd. "

"Tsk. Oo na menopausal boy!"

_________________________



We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon