Chapter 10:

86 1 2
                                    

A/N: 

Hep hep hep! Pasingit muna!



First of all..May hinanakit ako..Nadelete na naman yung finished part na nagawa ko!!! TTTTT______________TTTTTTBale di talaga to original kaya di ko sure kung maganda pa..Medyo malungkot na kasi ako nung ginagawa ko to. Madelete ba naman! KAASAR! -__________-!!!


Dedicated po tong chapter na to kay @skyeisha_skye dahil sya ang kaunaunahang nagcomment sa story na to. Biruin mo! May nagbabasa pala nito! Haha! Thank you! ^________^


Anyway,sana magustuhan mo tong isa pang pambitin! ^______^ V




__________________________________________________________________________

Carrie's POV:



Napatanga na lamang ako sa mga nangyari.



Hinarang kasi kami ng isang sasakyan , buti na lang talaga at mabilis ang reflexes nitong si Caleb,kundi baka ospital na landingan namin nito!



Tumingin ako dito sa katabi ko na halatang nagulat din sa nangyari. Lumingon din sya sakin at tsaka tumingin ulit ng diretso.



"Ano kayang problema nitong driver na to?" At akmang lalabas na sana sya ng biglang lumabas din ang driver ng kabilang sasakyan.



"Fudge! Hoooh! Hiningal ako dun ah! " Sabi naman nung driver na lalaki ,habang nagiinat-inat.



Pero teka! Uniform ng Chronus ang suot nya ah ! At base sa tantsa ko kasing tanda rin namin sya kaya hindi rin malabong kaklase namin sya. Anong ginagawa nya?




" Aiden Villegas? Bakit nya ko hinarang?"



"Kilala mo sya?" Tanong ko naman kay Caleb.



"Oo,isa din yan sa mga pasaway sa campus natin eh." At akmang lalabas na ulit sya ng may lumabas sa passenger seat sa kabilang sasakyan.



"Bwiset ka! Ang sabi ko sayo sundan mo lang , hindi yung banggain mo yung sasakyan nila!!Muntik na tayong maaksidente!" Sabi naman nung...teka... Si Trish to ah!



"Di ko naman binangga ah. Safe naman yung pagkakapark ko ah! Tsaka napatigil ko naman yung sasakyan !"



"Tss.Safe mo mukha mo! Di mo nga binangga! Halos mamatay naman ako sa heart attack ! Bakit di mo sakin sinabing reckless driver ka?!!Ede sana di na ko humingi ng tulong sayo!"

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon