Carrie's POV:
Tanging patak lamang ng tubig mula sa gripo ang maririnig.
Pagkatapos nyang ikwento lahat ng nangyari sakanila noon ay naging tahimik na sya.
Sa totoo lang nakakakaba rin magsalita. Hindi pa rin ako makapaniwalang may makakaheart to heart talk ako dito sa Chronus ang mabigat si Sherlyn pa!
Sinong magaakala diba??
Tumingin ako sakanya ngunit sa sahig lang nakapako ang tingin nya.
Hindi ko mahulaan kung anong iniisip nya..
Binibilang ba nya yung mga strand ng buhok sa tiles?
O nagsisisi kung bakit sa dami daming tao na pagsasabihan nya ng kanyang nakaraan eh ako pa yung napili nya.
Huminga na lang ako ng malalim.
"So ibig mo bang sabihin kaya ka nagpapaka conyong supladita na papeymus ay dahil para itago ang pagkanerd mo dati? "
Tumingin sya sakin ng patalim.
"Are you describing the events or are you insulting me?? "
Oops... Sarrehh... Nadudulas lang.
"Hehe hindi naman... Tapos nung nerd ka dati nun mo nakilala si Caleb, lagi ka nyang pinagtatanggol sa bullies kaya nagkagusto ka sakanya?"
"Yes. "
"Happy ending na dapat pero naaksidente ang parents mo at nabankrupt ang kumpanya nyo kaya nawala ang lahat sayo. "
"Naging scholar ka dito sa Chronus at para mapigilang mawala pati si Caleb sayo ay tuluyan mo ng binago ang sarili mo. Kunwari ay walang nangyari trahedya at hindi nawala ang kayamanan nyo. Lahat ng yun para mapigilang mabully ka at lumayo si Caleb. "
Humarap ako sakanya.
"Ibig sabihin.... ang Sherlyn na kilala namin... Lahat ng iyon ay isa lamang palabas? "
Yumuko sya.
"Partly... But ever since my other relatives started to handle our company, they coax it back to its success, though the ownership is not mine anymore, I get my fair share of wealth. "
"Ang pera mo naibalik pero ikaw?? Ang totoong ikaw? Naibalik mo ba? "
Unti unti ko ng naiintindihan kung bakit ganito ang ugali ni Sherlyn.
"Sa nakikita ko sayo Sherlyn hindi ka masaya sa kalagayan mo ngayon. "
Malungkot kong sabi sakanya.
Napatawa sya ng mahina sa sinabi ko.
"Nakakapagod ding magpanggap na okay ka, na masaya lahat.. na nasayo pa ang lahat kahit na hindi na. "
Lumingon ako sakanya dahil sa mga sinabi nya.
"Simula ng nawala sila mama at papa.. Wala na akong naging sandigan kapag may problema ako. Wala ng nagcacare sakin at nagpaparamdam ng pagmamahal sakin. Ang mga kamag anak ko pera lang habol sakin. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko. Sa totoo lang kay Caleb ako kumukuha ng lakas kaya... "
"Kaya ganon mo na lang sya pigilan mapunta sa iba? Tama? "
Napatawa sya sa sinabi ko.
"Pero Sherlyn, matagal ng tapos ang lahat ng yun. Napagtagumpayan mo na lahat ng mga problema na yun matagal na kaya, wag ka ng mamuhay pa sa nakaraan. "
Hinawakan ko ang kamay nya.
"Hindi ba sabi mo pagmamahal ang may kakayanang magbago sa isang tao. Buksan mo ang puso mo dahil marami ding tao ang naghihintay na pahintulutan mo silang mahalin ka. "
BINABASA MO ANG
We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)
HumorParehong makulit....Parehong walang balak magpatalo.. Laging nagaaway..Konting salita ng isa ay para na silang bombang sasabog..Magbati pa kaya ang aso't pusa? Matahimik na kaya ang buhay ng mga ka estudyante nila? O magpatuloy pa rin ang gyerahan n...