Carrie's POV :
Lagot talaga sakin yung nilalang na yun!
"We always try our best to make the first days the thrilling and unforgettable part of the school year."
Grabe ha! quota na sya kahapon!
"Teachers and other staff always show their best attitude even from the beginning."
Lahat ng kamalasan na naranasan ko sa first day ko sya lang puno't dulo!
"Though I doubt our guard at the entrance gate did a great job for it."
Napagtanto ko lang tama nga, tama nga lahat ng sinabi ni Trish tungkol sa kanya. Walang magandang maidudulot pag dumikit dikit ako sa kanya,kailangan kong iwasan yung tao na yun! Adik yung pa-VIP na yun eh!
Kaylalang kung lalayuan ko yung nilalang na yun,pano ako makakapagrevenge?
"But im pretty sure everything went smoothly according to what im hoping . Right Ms. Santiago?"
Yes you heard me right! Gusto ko ng revenge sa lahat ng mga kalokohan na ginawa nya sakin!
Pagbabayarin ko talaga sya promise! Di nya lang alam kung ilang batsa na ng mabibigat na pinggan ang nahugasan ko kahapon bago ko pa nalaman na binayaran din pala nya yung kinain ko at pinagtripan lang nya kong paghugasin ng mga plato dun sa restaurant!
Though,okay grateful ako dahil nilibre nya ko pero , naman! Ang hindi nya sakin sabihin at ipahiya ako na hindi pa bayad yung kinain ko!Ibang usapan na yun!
At grabe ! Ang hirap ko sa paghanap ng masasakyan pauwi! Halos parahin ko na lahat ng mga sasakyan na dumadaan sa kalsada.Aba buwis buhay ako ng gabi na yun ah! Hindi manlang sya nagbigay ng warning na wala pala halos masasakyan dun sa lugar ng restaurant!
At! Eto pa! Sandamakmak na pangangaral pa inabot ko kay Nanay paguwi!
Halos sabog na eardrums ko ayaw pa kong tantanan. Paano ba naman late na ko nakauwi eh first day pa lang.
"Uhmm. Ms. Santiago? Ms. Santiago are you okay?"
"Po po?!" Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng hawakan ni Principal ang kamay ko.
Nyeks! Kaharap ko nga pala ang principal bakit ba kung ano ano iniisip ko?
"You look...Distracted. Are you okay?"
"Ah opo..opo!" Umayos ako ng upo at tumigin ng diretso sa kanya.
"Well okay. Its just that I keep noticing that your grip in your handbook is too tight and you keep mumbling things while I talk to you. Are you sure you're okay?"
Eh! Oo nga nalukot ko na ata lahat ng pages dito sa handbook. Eeh! Kakahiya! Baka isipin nila sinasayang ko lang ang mga school materials ko.
"So-sorry po may iniisip lang. "
"Okay. So,how was your first day?"
Masama. Masamang masamang masama.
"O-kay lang po. " Sabi ko na lang at tsaka pilit na ngumiti.
Kahit na gusto kong ireport lahat ng kamalasan na inabot ko dahil sa VIP nilang estudyante ay hindi pwede. Alam nyo na . REPUTATION!
At isa pa ayoko namang ganitong way lang ako makakapagrevenge dapat mas grabe sa pagkasumbong sa principal!
"Im glad to hear that! Still I want to remind you that we expect big from you. I encourage you to join the extra curricular activities in our school so you can improve not only your academic skills but also your talents."

BINABASA MO ANG
We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)
ComédieParehong makulit....Parehong walang balak magpatalo.. Laging nagaaway..Konting salita ng isa ay para na silang bombang sasabog..Magbati pa kaya ang aso't pusa? Matahimik na kaya ang buhay ng mga ka estudyante nila? O magpatuloy pa rin ang gyerahan n...