Carrie's POV :
"Haiiiist!!!" Maisip ko lang talaga ulit yung nangyari kanina nangingilabot na ko!
"Baka sakaling maging crush kita.." Ano bang dahilan kung bakit pa sumagi sa isipan ko yun?
Dahil ba sa napalapit ako sakanya as in malapit na malapit?
Tss. Siguro yun lang yun!
Di naman kasi maipagkakaila na talagang may looks nga yung lalaki na yun.
Lalo na sa malapitan.Oo maganda nga yung light brown nyang mata,maamo at calming yung dating.
Yung ilong nyang parang inukit sa kahoy sa sobrang tangos .
At yung lips nyang napaka pinkish parang ang sarap...AY TEKA NGA MUNA!
Ano ba tong mga iniisip ko?!!!!! Complementing him is the last thing I would like to do ! What's happening to me?!!!
Ginulo gulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration. Stop thinking about that jerk Carrie! Magpasalamat ka na lang at hindi talaga lumabas sa bibig mo yung forbidden word na 'crush'.
And besides bakit ba ko nagpapakabaliw sa kakaisip eh possibility lang naman yung naisip ko kanina.
Possibility na ngayon ay binabawi ko na! I was just mesmerized by his looks that's all!
Pero hindi pa rin nun ma-cocover ang masamang ugali nya. Tulad na lang kanina,at arrgh! Yung mga pinaggagawa nya sakin! Tss. Hinding hindi ko ipagpapalit si Caleb sa kanya! Period!
Nang makarating ako sa pupuntahan ko ay agad kong hinanap si manong janitor.
Sa pagkakaalam ko kasi lagi syang nandito sa likod ng building namin.
At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko agad syang nagaayos ng mga cleaning supplies nya dun!
"Uhmm. Excuse me po Manong Janitor."
Agad naman syang nagangat ng tingin ng tawagin ko sya.
"Ano yun ineng?"
"Kulang po kasi kami ng seats sa classroom. Meron pa po bang spare ?"
Mukha namang namutla si Manong sa tinanong ko. Why oh why?
"A-ako mismo ang naglagay ng mga upuan Ineng. P-paanong nagkulang pa?"
Hala bakit nagi-stutter siya?
Gusto ko sanang sagutin ng 'May pa-VIP po kasing bubwit sa classroom ,nagdedemand ng seat para sa mahal na mahal nyang bag!'
"May bagong dating po kasi na kaklase namin.Nagkulang na po. "
Napakamot naman sa batok si Manong at halata ang takot sa mga mata nya.
Anong problema? Upuan lang naman ang hinihingi ko ah.
Hindi ko naman napansin na biglaan na pa lang kumuha ng mga gamit si Manong at akma ng aalis.
Mabuti na nga lang at nahawakan ko agad sya sa balikat.
"Manong? Saan ka pupunta ? Paano yung upuan namin?"
"Ah..eh! Ineng! May mahalaga pa pala akong gagawin! Hindi na kita maasikaso! Sa basement! Sa-sa Basement ng building nyo nandun yung mga upuan! Du-dun ka na lang pumunta!" Sabi nya habang trina-try na tanggalin yung pagkakahawak ko.
Ngunit di ko rin naman sya pinakawalan at mas hinigpitan pa ito.
"Pero bakit po kayo mukang kinakabahan? Upuan lang naman po yung hinihingi ko."
Napatigil naman yung si Manong pero halata pa rin yung pagkastress nya. Grabe nga magpawis eh!
Lumapit sya ng kaunti sa akin at tumapat sa tenga ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/7641861-288-k996952.jpg)
BINABASA MO ANG
We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)
HumorParehong makulit....Parehong walang balak magpatalo.. Laging nagaaway..Konting salita ng isa ay para na silang bombang sasabog..Magbati pa kaya ang aso't pusa? Matahimik na kaya ang buhay ng mga ka estudyante nila? O magpatuloy pa rin ang gyerahan n...