Chapter : 15

41 0 0
                                    

Carrie's POV:

Inayos ko ang pagkakasukbit ng backpack ko at saka kumagat ulit ng mansanas.

Its a beautiful morning mga repapips! The sun is shining. The birds are chirping . The trees are swaying and the wind is whistling!

Masyadong maganda ang araw na to para sumimangot at magpaka nega sa life!

At isa pa,ayoko na kasing istressin ang sarili ko katulad na lang kahapon. Puro revenge yung inisip ko kahapon mula umaga pa lang kaya yun! Hanggang sa matapos na lang yung araw ko puro kabwisitan pa rin yung nangyari sakin!

Syempre di naman ako magqu-quit sa pag rerevenge ko. Enemy pa rin turing ko dun sa pa- VIP na yun noh! Sama kaya nung ginawa nya kahapon kay Caleb !

Laylo lang muna ako ngayon. For now...I want Peaceeee...

"Hala ano nangyari? Bakit pumangit si Snow White."

Lakas talaga makabasag trip ni Manong Guard. (-_______-)

Kasasabi ko lang na gusto ko ng peace eh!!!!

Huminga ako ng malalim at hinarap si Manong Guard .

"Gusto nyo po?" Naglabas ako ng isa pang mansanas.

Napasimangot naman sakin si Manong Guard.

"Ayoko nga. Malay ko ba kung gusto mo lang akong lasunin."

Talaga naman... (-_____-!)

" Akala ko po ba ako si Snow White? Hindi po sya ang nanglalason yung Wicked Queen!"

Tiningnan naman nya ko mula ulo hanggang paa.

"Eh mas kamukha mo yun eh!"

Pilit naman akong ngumiti sa kanya. Umagang umaga may nangbabadtrip na agad!

"Kukunin nyo po ba o ako na lang po ang kakain?" Sabi ko ng may fake na smile sa mukha.

"Sigurado kang safe to? " Kinuha nya sakin yung apple at inikot ikot pa ito ng parang sinusuri.

Kyaahh!!!!!!! Bakit ba lagi na lang akong binubuwiset nito!

"Kuya kung ayaw nyo akin na." Inabot ko ang mansanas pero iniwas nya lang ito at tinago sa bulsa ng jacket nya.

"Ipapainspect ko muna to sa BFAD."

Talaga naman!!!!!!!!!

***

"So di mo talaga kasama yung amazona mong bestfriend?"

Ulit ulit ah.huminto muna ako sa pagaayos ng locker ko at hinarap sya w/ stern expression.

"Obvious ba?"

"Woah! Wag magalit naninigurado lang ako!"

"Hay... Di naman ako galit. Kulit mo kasi! Sabihin mo hinahanap hanap mo lang sya,Miss mo noh!"

Natawa naman ako sa kanya ng nakita ko ang expression nya.

"Miss?! Di noh! Buti nga ngayon wala na yung nakakabinging boses nya eh!"

"Pfft! Nagreminisce pa. Umamin ka na kasi."

"Tigilan mo ko Carrie ah! Tss. Palibhasa si Caleb ang crush-mmmm!"

Agad kong tinakpan ang bibig nya at tumingin sa kanan at kaliwa. Phew! Buti walang masyadong tao. Ingay neto!

"Caleb ka dyan! Di noh!"

Marahas naman nyang tinanggal ang kamay ko.

"Sinungaling! Iba kaya yung pag tingin tingin mo sa kanya nung isang araw at pag ngumiti! Alam mong may pagnanasa-mmmmm!"

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon