Third Person's POV:
Flashback...
"Sir we are here. "
Napairap na lamang ang batang Davis sabay sabi ng..
"Tch. I know I have eyes. "
Agad syang bumaba pagkahintong pagkahinto ng sasakyan.
Nagniningning ang mga mata habang pinagmamasdan ang buong paligid.
Makukulay na laruan na nalilimliman ng malalaking puno.
Mga batang nagtatawanan at naglalaro.
At mga kart na nagtitinda ng mga makukulay na lobo, pagkain at laruan.
Sa tagal nyang naghintay ng tyempo para makatakas sa kanyang mga magulang at mga guards ay sa wakas ay nakapunta na rin sya sa playground.
"Its the same as the playground I see in my books! " Malakas na sabi nya habang nakaturo sa lugar.
"Do you want me to accompany you Sir? "
Napatango na lamang si Justin. Ni hindi maialis ang tingin sa buong lugar.
Naglakad silang dalawa ngunit nanatiling nasa likod ang kanyang driver.
Nang malapit na sila sa swing ay biglang natahimik ang mga batang naglalaro dun at tumingin sa kanila.
Sa hindi malamang kadahilanan ay kinabahan si Justin.
'Should I smile? Wave at them and introduce myself? '
Ngunit bago pa man sya makakilos ay bigla na lamang sumigaw ang isa sa kanila.
"Waaah!!! Pulis!!! Kukulong nya tayo!! "
Noong una ay akala ni Justin sya ang tinuturo ngunit ng mapagtanto nya ay yung nasa likuran nya pala ito.
Nilingon nya ang kasamahan na kalmado lang na nakatingin sa harap bago muling tumingin sa mga bata.
"He will not-"
"Waaaaaaah! "
Bigla na lamang nagtatakbo ang mga bata at ang iba ay umiiyak pa.
Iniwan sya ng kanyang driver sa swing.
Ang kaninang magandang mood nya ay napalitan ng irita.
Padabog syang naupo sa swing at humalukipkip.
"Why are they so weird? I haven't even done anything! "
Hindi naman sumagot ang kasama nya.
"Do you want to go now sir? Im sure your tutors are in the mansion now waiting-"
"No. "
Hinawakan ni Justin ang mga kadena na sumusuporta sa swing.
"Just.... wait. "
Unti unti nyang inugoy ang swing habang nakatulala lang sa mga batang naglalaro.
'I thought coming here will make me feel happy like the kids in my books but why do I feel the opposite? '
Ganun lamang ang kanyang posisyon, ng maagaw ng batang babae ang atensyon nya.
Bagong dating lamang ito at sakto ding sa dinaanan nila kanina dumaan.
Inobserbahan nya ito.
'Will she be welcomed here like what they've did to me?'
Nakita nya na dumiretso ito sa mga bata kanina.
Ngumiti ito ng pagkakatamis at sinalubong sya ng yakap ng mga ito.
Napasinghap na lamang si Justin sa nangyari.
"Why are they like that to her?! "
Hindi na nya napigilan pa ang mapasigaw sa irita na nararamdaman.
"They're so unfair! "
"Maybe they know the girl already and have played with her before that's why. "
Simpleng sagot ng kanyang driver.
Hindi na lamang umimik si Justin at pinagmasdan ang batang babae.
'She's so small compared to them...
Vulnerable even... But.. '
"Is she a doll? Why is her eyes like that? "
Tinitigan nyang mabuti ang mata ng bata.
"Is she blind? "
"I don't think so sir. But it seems that the girl is a mixed race. "
"Maybe. "
Sa buong oras na nandun sya at nakaupo sa swing ay sa batang babae lang nakatuon ang atensyon nya.
Hindi nya alam kung dahil sa inis o inggit dahil sa pagkakaiba ng trato sa kanilang dalawa ng mga bata doon.
O di kaya naman dahil sa tamis ng tawa at ngiti ng bata na sinabayan pa ng pagkacheerful nito pag naglalaro.
"Ikaw naman taya Carrie! "
Nakita ni Justin kung paano enjoy na enjoy na makipaghabulan ang bata sa mga kalaro.
Tumingala sya at bumuntong hininga.
Gusto rin nyang maglaro, sumali at makipagtawanan sa mga bata doon.
First time pa lang nya kasi makakita ng mga batang kasing edaran nya na talagang ineenjoy ang pagiging bata.
Lahat kasi ng mga bata na ipinapakilala sa kanya ng kanyang magulang ay sobrang mga seryoso, kontrolado lahat ng mga galaw. Dahil dala ang pangalan ng pamilya kaya kailangan pangalagaan.
Iyon ang itinuturo sa kanila. Iyon ang dapat nilang makasanayan.
Kasalungat sa mga batang nakikita nya ngayon sa playground.
At iyon ang gusto nyang maranasan. Kung paanong maging isang normal na bata na walang iniisip na responsibilidad. Na pwedeng maglaro at magkamali ng hindi nagaalala sa sasabihin ng iba dahil bata pa lamang.
"Uhhh.. Sir....? "
Lumingon sya sa kanyang driver.
"What is it? Are they calling us back to the mansion? Have they notice my absence already? "
"No sir.. But... " Tapos tinuro ng driver ang harapan ni Justin.
Naweweirdan man ay tumingin si Justin sa harap at doon nakita nya ang batang kanina pa nya pinagmamasdan.
Na nasa harap mismo nya at titig na titig sa kanyang mukha.
Mas inilapit pa nito ang kanyang mukha.
"Wowwwwww! "
Hindi man malaman ni Justin kung bakit ito manghang mangha sa pinagmamasadan ay isa lang ang naisip nya.
"She is indeed a doll. "
_____________________________
A/N: Nagustuhan nyo ba ang buong chapter?
First part pa lang ito ng childhood flashback nila Carrie at Justin kaya anticipate for the next chapter! 😊
BINABASA MO ANG
We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)
HumorParehong makulit....Parehong walang balak magpatalo.. Laging nagaaway..Konting salita ng isa ay para na silang bombang sasabog..Magbati pa kaya ang aso't pusa? Matahimik na kaya ang buhay ng mga ka estudyante nila? O magpatuloy pa rin ang gyerahan n...