Chapter 49

20 2 2
                                    

Third Person's POV:

Flashback...

"And what do you suppose to mean?! "

Palihim na pumasok si Justin sa kanilang mansion. 

Kabado ang dibdib dahil mukhang mainit na naman ang ulo ng kanyang ama dahil sa kasagutan sa telepono.

"Our sales didn't surpass their sales again?!  You idiots!  I dont waste a lot of money just for you to make our company lose in them again! "

Agad syang pumunta sa hagdan upang dali dali ng umakyat ng silid.

"I want you to come up with a marketing strategy again but this time don't fail.. "

Mahihinang hakbang ang kanyang ginagawa upang hindi maistorbo at hindi mapansin ng kanyang ama.

Nang makarating na sya sa panglimang hakbang ay nagtaka sya kung bakit biglang tumahimik.

Lumingon sya at nagulat ng matiim syang pinagmamasdan ng kanyang ama.

Naniningkit ang mga mata at nakakunot ang noo.

Napalunok sya sa kaba at nagisip na  kaagad ng maaring idahilan.

"What are you doing kiddo? "

"Uhh.. I.. I.. Im just-"

Mas lalong kumunot ang noo ng kanyang tatay.

"What did I tell you about stuttering? "

Kalmado ngunit may pagbabantang sambit ng kanyang ama.

Tumikhim ang bata at umayos ng tayo.

"I was about to go to my bedroom father to fetch my books. "

Lumipas ang ilang segundo ngunit hindi nagsalita ang tatay kaya mas lalong kinabahan ang bata.

Nang akala nya ay bubulyawan na sya ay biglang tumawa ang matanda.

"Yes yes of course!  Come here. "

Nangangatog man ang tuhod ay pinigilan nyang ipakita ito sa kanyang ekspresyon.

Ayaw na ayaw ng kayang ama na nakikita ang kaniyang mga kahinaan. 

Dapat daw ang isang tunay na tagapagmana ng mga Davis ay laging matatag at ismarte,  hindi dapat magpakita ng kahit na anong kabaitan dahil siguradong sasamantalahin lang ng iba. Wala dapat maipintas sa kanya kaya dapat ay laging maging mas angat sya sa kahit na anong larangan.

Sa pagaaral man o sa kahit na anong bagay.

"You should study well son.  So that when you grow up,  You can make our company great again. " Seryosong sabi ng kanyang ama.

Humigpit ang kapit ng kamay nitong nakapatong sa kanyang balikat.

"And make the Saunders clan scrambling in their defeat! "

***

Pagkapasok na pagkapasok ni Justin sa kanyang silid ay agad syang nahiga sa kanyang kama.

Hindi sya makapaniwalang nagawa nyang makapunta sa playground ng hindi nalalaman ng kanyang mga magulang.

Kahit na alam nyang ilang minuto lang ang kaya nyang ilagi sa kanyang silid ay nanatili lang sya sa ganoong posisyon.

Inaalala ang mga nangyari ng araw na yun.

***

'What is she doing? Why is she so close? '

Gustuhin man nyang itulak ang bata sa harap ay hindi nya magawa sa sobrang pagkagulat.

"Woooooww!  Ang ganda! "

Mas naglean in pa ang bata kaya naman mas napaurong pa sya sa kanyang inuupuan.

Ngunit dahil nga walang sandalan ay agad syang bumaliktad at nahulog sa lapag.

"Aaaaaah! "

"Sir! "

Agad na nilapitan ng driver si Justin na ngayon ay hawak hawak ang ulo na malakas na tumama ng bumagsak.

"Are you alright sir? "

"Waaaah... Okay ka lang kuya?  "

Hahawakan sana ni Carrie ang ulo ni Justin ng tinapik nya ito.

"Don't  touch me!!  Its your fault stupid! "

Pero imbis na matinag ay napakamot lamang ng ulo ang kausap.

"Ano daw kuya?  Ano sabi? "

Nanlaki ang mata ni Justin habang ang driver naman ay natawa.

Nainis si Justin kaya naman dali dali syang tumayo.

"Let's go home! "

Dali dali syang naglakad papunta sa kanilang sasakyan ngunit nahabol ni Carrie.

"Teka saan ka pupunta?  Uuwi ka na ba?  Wag muna maglaro tayo!  Gusto kita kalaro! "

Agad na napatigil si Justin dahil sa sinabi ni Carrie.

Hindi man sya nagsasalita ng tagalog ngunit nakakaintindi sya ng mga panahon na ito.

Humarap sya sa bata na nakangiting nakatingin sakanya.

"Why? "

Kumunot ang noo ni Carrie. 

"Ano daw kuya? "

Naglean in si Carrie sa driver at pabulong na tinanong ito.

"Bakit daw miss. "

"Eh kasi.... "

May kinuha si Carrie sa buhok ni Justin at saka ngumiti.

"Eh kasi friend mo itong paruparo eh gusto ko rin sya maging friend! "

***

Hindi man alam ng batang si Carrie.  Ngunit talagang napasaya nya si Justin ng mga oras na yon.

Agad na bumangon si Justin at pumunta sa kanyang napakalaking book shelf.

Kinuha nya lahat ng mga filipino books.


___________________________________________

A/N: What do you think of the chapter?

Vote... Comment.... FOLLOW! 😊😊

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon