Chapter 21:

32 1 1
                                    

Carrie's POV:

Natapos ang napakahabang mga gawain at ngayon ay nandito na ko nagpapahinga sa may mini forest ng university.

Masyado ksi kaming napagod kaya pinagbigyan na muna kami ng teacher na magbreak at wag muna umattend sa klase nya.

Yun lang si President hindi ko alam kung saan nabanda, ang alam ko may imemeet pa sya na mga estudyante.

Kaya heto ako ngayon,nagsesenti magisa sa bench.

Inayos ko ang salamin ko at tumingin tingin muna sa paligid.

Tsk! Andaming PDA! Wala bang mga klase to??

Uminom ako sa C2 ko at muling ibinalik ang tingin ko sa libro na hawak ko.

Review review din pag may time...

May quiz pa naman kami.

Nang maubos ko ang inumin ko ay tumayo naman ako para itapon ito sa basurahan pero...

"Ahhh!"

Agad akong napaupo ng makatama ako ng poste.

Teka poste?? Kelan pa nagkaroon ng poste sa harap ng bench??

Sinubukan kong tumayo pero bigla rin akong napaupo.

Hindi dahil sa nasaktan ako o nagdadrama pero para kasing may nagiba.

Kinapa kapa ko ang mata ko.

Oh em G!!!!!!!!!

Tumingin tingin ako sa paligid ko.

Ang salamin ko!!!

"Ah miss im sorry."

Hinawakan ko ang salamin kong ngayon ay basag na.

Sayang to!! Kahit sa palengke to tagal ko na rin tong kaagapay sa buhay!

Tatayo na sana ako ng biglang may humawak sa kin.

Yahhhhh!!!!

Agad akong napatingin.

Ooh ang dakilang playboy ng university!!!

"Wait lang miss."

Kilala nyo ba kung sino sya??

Syempre hindi noh.

Naghintay ako ng kung anong sasabihin nya pero wala...Tumitig lang.

Lakas mantrip ng lalaking to.

Talagang dito pa sa lapag tumitig eh ang dumidumi dito!

"Yoohooo!! Oy tatayo na ko ah. "

Kinaway kaway ko pa ang kamay ko sa harap nya para makuha ang atensyon nya.

"Tagal mo eh!"

"I-im sorry."

Nagulat naman ako ng inalalayan nya ko para makatayo. Aba nagpapaka gentleman eh dati kung daan daanan lang ako nito kala mo hangin lang ako!

"Its just that....Youre. Youre so beautiful."

-_________-!

Ano daw???

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob pero nagawa kong batukan si Gabriel.

Yup. His name is Gabriel Stewart, ang dakilang cassanova ng school.

"Pinagsasabi mo dyan. Hilo lang yan dude!"

Sabi ko sabay iwan sakanya.

Sinong maganda ako?? Baka malabo lang paningin!

"Miss wait! Can you atleast tell me your name? "

Tiningnan ko lang sya ng bored look atsaka nagdirediretso.

"Please?"

"Please..please...please???"

"I know its not a good start but I want you to know that..."

Napatigil sya ng bigla akong tumingin at humarap sakanya.

"Gabriel Stewart. What exactly do you want from me??"

Yan english yan ah!

"You."

"Anong 'you'?"

"I want you."

Ay pusa.

Ayos to ah.

Ilang minuto pa kaming nagtitigan dahil ala ako masabi sa kanya.

Aba malay ko ba! First time ko lang makaencounter ng ganito noh!

"CHEATER!"

Agad akong napabackwards ng may humila sa braso ko at hinarap ako sakanya.

Galit na galit ang mga mata nya. At mangiyak ngiyak pa.

"At sino ka naman ????"

Bakit ba ko napapaligiran ng mga weird na lalaki?????

___________________________

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon