Chapter 42:

34 0 0
                                    

Carrie's POV:

"Waaaah!  Zombie! "

"Yaaah!  Saan saan?! "

Agad akong napabalikwas at napatingin sa kaliwat kanan ko.

Syempre zombie daw eh nakakapanic yun!

Pagtingin ko sa harap ay muntik na kong mapabulagta ng makita ko si manong guard na takot na takot na nakatingin sakin.

Abg masama sa akin pa nakatutok yung armalite na laging nakasukbit sa balikat nya!

Agad akong napataas ng kamay .

"Woah kuya wag ganyan!  Alam kong di tayo lagi bati pero wag mo naman ako biruin ng ganyan! "

"Teka -teka... " Sabi nya habang inaaninag ang mukha ko.

"Carrie? "

Ngumiti ako ng napakalapad.

"The one and only! "

Ibinaba na nya ang armalite nya at nag tsk tsk sakin.

"Naku bata ano namang droga ang nahithit mo at ganyan grumabe itsura mo? Alam mo bang tinutugis na ni Duterte yung mga kauri mo?  Magingat ka baka mamaya ikaw na maraid ng mga pulis nyan."

Naks,  kanina zombie ngayon naman drug user!  Mahal na mahal talaga ako nitong si manong guard eh.

"Si manong umagang umaga lakas makapanira ng araw. Porket nagkaeyebags lang eh. "

Natawa lang naman sya habang ako naman ay dumaan na dun sa gate na made exclusively for me only. Char!

"Nga pala neh! "

Lumingon ako at nakita kong nagseryoso ang mukha ni manong.

"Magingat ka,  hindi basta bastang pamilya ang binabangga mo. "

Ano daw?

Napansin siguro ni kuya ang nagtatakang expression ko kaya nagsalita sya ulit.

"Yung limo na sumusunod sayo,  nakita ko ang logo ng pamilyang nagmamayari nun , naku patay ka kung sila ang makakalaban mo. "

Mas lalo ako nagtaka sa sinabi ni manong.

Kinakalaban? Teka may sinalihan ba kong boxing o kung anumang gameshow para may makalaban ako?

Siguro family feud pamilya daw eh pero nahhhh..... Matagal ng walang ganung gameshow sa tv.

"Bakit kuya sino ba yung mayari ng-"

Krriiiiiiiiiiiiiiing!!!

Agad akong napaharap sa pagring ng bell ng school.

"Patay kang bata ka late na ko! "

Sabi ko sabay takbo .

***

"Okay class I want you  to group yourselves into 2."

Nagulat na lang ako ng biglang humawak yung katabi ko sa kamay ko.

"Aray naman. "

"Tayo magpartner! "

Syempre si Trish pa ba.

"Tsk tsk tsk. "

Napalingon naman kami ngayon kay Aiden  na masamang nakatingin sa amin .

"Naku naku naku... Maaam oh si Santiago at Bonnevier na lang lagi magpartner oh.  Di na naghiwalay! "

(-_____-!) Talaga naman!

We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon