Carrie's POV:
"Im hooooooome!!!"
Medyo nilakasan ko pa at kunwari masaya.
"Huy. Ano ba pasok na uy!"
Pabulong ko kay Justin. Pano ba naman kasi kunot na noo pang titig na titig sa bahay namin. Kala mo nagsosolve ng puzzle.
Naabutan ko si mama na nakaupo sa sofa at mukhang....kakaiyak lang??
"O-oh anak andyan ka na pala."
Sabi nya habang pasimpleng nagpapahid ng luha.
"Ah opo he-he."
Tiningnan ko si pa-VIP sa likuran ko. Ngayon naman sa nanay ko sya titig na titig!
"Huuuuy!"
"What?!"
"Ang weird mo , umayos ka."
Sinimangutan lang naman ako. Hmmp! Bahala nga sya.
Bakit nga kasi sya sumama??
Ahh hehe ako nga pala ang nakiusap. Alam ko kasi na kapag ganitong gabi na ko nauuwi pinagagalitan na ko ni mama kaya para may pang divert ng attention nya sinama ko tong si Justin.
Hala eh sya din naman ang may kasalanan eh!
"Ah ma. May kasama nga po pala ako , si Justin...uhmmm..ano ...ano ko."
Nablangko yung isipan ko bigla. Si Justin kasi titig na titig sakin.
Hilig tumitig nito ngayon!
"Boyfriend nya po."
What the!
Agad sya lumapit kay mama at nagmano.
"Oh talaga!"
Biglang nagningning ang mga mata ni mama.
Tsk! Sabi na nga ba.
"Sa wakas anak! May nakapansin din ng ganda mo! Akala ko tatandang dalaga ka na eh."
-_________-! Oo nga po tatanda nga po akong dalaga..
Joke! Oy may Caleb my loves pa ko noh! Magpapakasal pa kami!
"And we brought food po para sa inyo."
Inabot naman ni Justin yung mga pagkain na binili nya kanina.
Yup. Sya bumili ng pasalubong kay mama. Nung nalaman nya kasi na mainit ang ulo ni mama pag umuuwi ako ng gabi, sya na rin ang nagsuggest na pasalubungan namin.
Hehe suhol lang ang peg!
Paglapag na pagkalapag nya ng pagkain ay agad akong lumapit sa kanya at kinurot sya sa tagiliran.
"Ohhhh...shi-"
"Sige murahin mo ko. Mag murahan tayo ngayon. Sino may sabing pwede mong sabihin ang pagiging temporary girlfriend ko sayo sa nanay ko?!"
"Tsk. We need to divert her attention right? I thought it will be a blast if we tell her about our relationship and look it works!"
"Tsk. Fake relationship!
"Whatever."
"Uhmm..Anak nagaaway ba kayo? "
"Kami po hi-hindi. Hindi po! Bakit ko naman po aawayin ang BOYFRIEND KO hehe."
Inakbayan ko pa si Justin para mukha talagang totoo kahit bwisit na bwisit na talaga ako sakanya.
Sakalin ko na kaya?
![](https://img.wattpad.com/cover/7641861-288-k996952.jpg)
BINABASA MO ANG
We are ENEMIES right?(D.I.Y.B.K)
HumorParehong makulit....Parehong walang balak magpatalo.. Laging nagaaway..Konting salita ng isa ay para na silang bombang sasabog..Magbati pa kaya ang aso't pusa? Matahimik na kaya ang buhay ng mga ka estudyante nila? O magpatuloy pa rin ang gyerahan n...