Chapter 27

548 14 4
                                    

Chapter 27 

Locked 

Sobra yung kaba ko dito sa loob ng condo ko after kong malaman na magkikita yung mga Rheinford at yung family ni Hannah at akala ko talaga masisira na kami ng dahil sa issue na yun because knowing Raffy kahit naman handa siyang makinig wala pa ding mas mahalaga kaysa sa pinsan niya. 

That is one of the reason why I said all those to Renzo that time. At okay na rin yun ngayon dahil talagang para na lang talaga akong tao na dumadaan lang sa kanya tuwing nagkakasama kami sa iisang lugar. He is not saying anything or look at me at nung una okay lang sa'kin but later on I just found myself hoping. 

Hoping na papansinin niya ulit ako just like he used to, yung simpleng maliit na ngiti lang okay na ako at napapangiti na lang din ako. I want that pero tuwing naiisip ko na ako naman ang may gusto nun it just all disappear. 

Nagulat ako ng may nagdoorbell sa pinto ko at nakita ko si Raffy at Hannah at ganun na lang din ang tuwa ko nang makita ko si Zaira and I really miss her. 

We just talk about Hannah's plan now at si Zaira naman daw hindi naman magtatagal dito at umuwi lang talaga dahil sa nabalitaan niya at kilala niya daw ang pinsan niya kaya nagmadali siyang umuwi. 

Handa kaming suportahan si Hannah sa mga desisyon niya lalo na at alam naman naming siya lang ang makakaalam ng dapat niyang gawin and Raffy and Zaira are also willing to support her kahit alam nung dalawa na pinsan nila ang masasaktan sa desisyon na gagawin ni Hannah. 

Napatingin ako kay Raffy at kahit hindi niya man sabihin I know something is really bothering her nitong mga nakalipas na buwan pero hindi na lang ako nagsasalita doon at hinahayaan siya. 

"Pansin ko lang sa'yo, Irene. After the fashion show yung bigla kang umalis parang may nag-iba sa'yo." Mia said while we are at the airport going to Paris.

 2 weeks ago lang umalis si Hannah papuntang Los Angeles kaya pakiramdam ko ang tagal ko siyang hindi makikita o siguro nasanay lang ako na lagi lang nandiyan si Hannah na bigla na lang papasok ng condo ko tapos yung pag namiss ko pwede kong takbuhan. 

"O baka dahil lang tatlong kaibigan mo ang wala?" Dagdag ni Mia at tumango naman ako doon dahil baka isa din yun sa dahilan. 

Sa dami ng nangyari parang bigla ko na lang nakalimutan yung nangyari nung gabing yun. Pero ang hindi ko malimutan ay yung naging pag-uusap namin ni Renzo. 

"Wag ka na malungkot, may event ka naman sa Los Angeles next month, nandoon si Hannah di ba?" tumango naman ako sa sinabi niyang yun. I have a fashion show to attend in Los Angeles next month at planado na yun. 

I should be happy dahil sa Paris ang punta namin but I don't why just thinking of going there makes me sad all of a sudden. Hindi naman ganito last time dahil tuwing pupunta ako ng Paris whether for a vacation or for a schedule. 

But suddenly bigla na lang parang hindi ako masaya na magpunta doon? That place once made me happy but why suddenly my feelings become like this? 

"Is it really okay for Oliver for you to stay here for 2 weeks kahit na 1 week ka lang talaga dapat?" I ask her dahil isang linggo lang talaga yung stay namin doon pero like what I always do pag sa Paris ang punta ko I always stay there for another week at kabisado na ni Mia at Oliver yun. 

"Oo naman at si Chantal naman ayun nasa New York binisita yung Mommy niya  at one month siya doon." she said at tumango naman ako dun dahil sinabi din sa akin ni Chantal yun na gusto niya daw bumawi sa Mommy niya kaya ayun umuwi siya ng New York to stay there for the mean time. 

Aaminin ko minsan ayoko na talaga umalis ng bansa because I don't want Raffy to feel na nag-iisa siya dahil wala siyang matatakbuhan I don't want her to feel that pero naalala ko bigla si Casper and I know that he will be there for Raffy lalo na ngayon at pansin ko sa kaibigan ko na yun na parang ang dami niyang iniisip. 

Be With Me Then (Then Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon