1

1.2K 39 5
                                    

Halos magliyab na ang sahig ng barong-barong na tinitirahan namin sa kamamadali ko! Kung lang sigurong malaki ang space dito kanina pa ako lumipad para maabot ko ang lahat ng bagay na kailangan ko!

Kagagaling ko lang sa salon ni Jesebelle! Taga linis ako doon tuwing 6 ng gabi! Wala na kasi silang customer that time at kelangan ng malinis yung lugar! Walang gustong maglinis ng parlor kasi pagod na ang mga bading na nagtatrabho doon kaya kinuha ako bilang taga linis! Pinatulan ko na kasi sayang din yung 100 pesos na inaabot sa akin araw-araw! Pwede na yun pambili ng kape at asukal para sa almusal namin kinabukasan!

Ako si Chedille Ysa Mendoza pero mas kilala ako sa lugar namin bilang  si Che ang reyna ng sideline! Ang dami ko kasing sideline eh! Taga hugas sa school canteen tuwing school days, taga linis sa parlor ni Jesebelle, waitress sa isang disco bar tuwing gabi, labandera at planstsadora tuwing sabado at linggo! Kayod kalabaw ang kelangan kung gawin para sa pamilya ko! Ako na kasi ang tumatayong padre di pamilya! Wala na kaming tatay at si mama naman may sakit! Mas pinili kung tumigil ng pag-aaral para makapgtrabaho! Anu naman kasi silbi ng pag-aaral kung kumakalam naman sikmura namin! Buti sana kung makakain ang libro! Atleast ngayon may trabaho ako nakakaraos kami, may pambili kami ng pagkain pati gamot ni mama!

Athena ito pambili niyo bukas ng tinapay! Tapos tag 20 kayo dayan pambon ha! At inabot ko kay Athena yung perang  kinita ko kay jesebelle! Medyo malaki iyon! Inabutan niya ako 200 kanina! Mukhang malakas ata kita nung parlor niya kaya 200 inabot niya sa akin!

Eh ate baka wala ka pamasahe! Sabi naman ni Athena na panay sunod sa akin!

Meron! 200 yan kinuha ko yung singkwenta! Sagot ko naman!

Di na umimik si Athena at nakita kung nilagay na niya sa bulsa yung perang binigay ko sa kanya!

Halos sabog ang buong bahay namin sa kalat bago ako tuluyang natapos mag-ayos! Nagpaalam lang ako kay mama at kay Athena pago tuluyang umalis! Si Athena nabahala sa kalat ko malelate na ako sa bar!

Diretso sa paradahan ng tricycle! Letse! Pag minamalas ka nga naman si Doming pa ang masasakyan ko ang lalaking head over heels sa akin! pero malamang swerte ko na din ngayon araw kasi malelate na ako at pag ito ang  sinakyan ko  alis agad tapos di pa ako pinapabayad! Kung di nga lang siguro kasing hirap lang din namin ito malamang pinatulan ko na itong si Doming! Bukod sa halatang mahal na mahal ako nito masipag din naman ito kaya lang utang na loob 9 silang magkakapatid at panganay din ito! ay wag nalang! Di ko makakain ang pagmamahal!

Dali-daling pinaandar ni Doming yung sasakyan niya! Kabisado na din naman kasi nito ang oras ko ng pagpasok!

Doming iuwi mo na yan! Kantyaw nung si Anton isa sa mga tricycle driver din doon!

Wag muna! Tsaka na pag nanalo ako sa lotto! Sigaw ni Doming bago pinaratsada ang motor niya!

Within 10 minutes andon na ako sa Subzero Bar kung saan ako nagtatrabaho! Inabot ko kay Doming yung bayad ko pero di kinuha at basta nalang umalis! napiling nalang ako! pasaway din itong lalaking ito eh! Pero thank you na din!

Dali-dali kung sinuot ang jacket na dala ko! malamig ang Subzero Bar! Ultimo baso dito yelo as in made of ice kaya sobrang lamig doon! patok yung lugar na yun sa mga foreigner na parokyano lalo na pag summer pero sobrang mahal naman ng mga inumin dito! mababa na ang 500 per glass! Buti nga nakapasok ako dito eh! Ang lakas ng kita ko dito gabi-gabi plus pa yung tip ng mga foreigner! Sa isang gabi kumikita ako ng 1000 sa tip lang wala pa yung sweldo ko n 1000 gabi-abi! Kung dito lang sa bar na ito mabubuhay na kami kaso ayaw kung umasa sa kita ko lang dito! gusto ko pa din kahit papanu makaipon ako at makapagtapos ng pag-aaral kaya kelangan kayod kalabaw talaga!

Chained Heart (Restricted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon