18

431 20 5
                                    

Che pov

 

Busy kami ni nanay Anita sa pangangalkal ng mga dala namin para sa kanila! Si manong Anton naman paka hatid sa loob ng kwarto nung mga dala namin ay lumabas din agad! Linisin daw muna niya yung kotse ni Darwin! Maya na daw niya titignan yung mga pasalubong namin para sa kanya para daw super excited na yung feeling niya that time!

Lakas ng trip din nito si manong Anton! Sabi nga ni nanay Anita ayaw lang daw ni manong Anton  na makita niya ang reaksyon nito!

Tuwang tuwa si nanay habang isa-isa kung inaabot sa kanya yung mga pasalubong namin para sa kanya!

Blouse, signature bags, wallet tapos may mga accessories pa! Ako pumili nun! Yun lang ang tangi kung hiniling nun kay Darwin nung nasa France kami ang bilhan ng pasalubong ang mag asawa!

Salamat Che! Ay naku ang gaganda nito! masayang wika ni nanay!

Buti naman po at nagustuhan niyo!

Aba bakit hindi ko magugustuhan! Importid ito eh!

Ngumiti lang ako! masaya na ako at nagustuhan ni nanay yung mga pinamili ko!

Maya-maya lang pumasok na si Darwin sa kwarto! Maaliwalasang mukha nito! Tapos n ang bagyo sa mukha niya!

Abot ang pasalamat ni nanay kay Darwin dahil sa mga pasalubong! Niyakap pa nga nito si Darwin! For the first time I saw Darwin genuine smile! Ang cute tignan!

After ng unli yakap ni nanay kay Darwin nagpaalam na ito sa amin! magluluto na daw ito ng pananghalian namin! Nag request ako ng gulay at tuyo! Di rin pala masarap yung araw-araw karne kinakain mo! Pakiramdam ko nga para akong laging high blood eh!

Niyakap ako ni Darwin mula sa likuran! Inaayos ko yung mga kalat doon!

Pahinga muna tayo sweety! Mahinang sabi nito sabay buhat sa akin!

Pahinga! Abnoy na lalaki! Style niya bulok na!

Inihiga ako nito sa kama tapos tumabi siya sa akin at niyakap ako! I was expecting for that to happened! Ganito ito palagi pag sinusumpong ng init ng katawan! Gumanti ako ng yakap dito!

He kissed my head and hug me tight! Matulog muna tayo mamaya pa makakatapos magluto niyan si nanay! Sabi nito at  isiniksik niya ako sa dibdib niya!

Wooaaahhh! Pagod talaga! Kala ko nag iinit eh! Pero hindi! Nakayakap lang ito sa akin ng mahigpit yung tipong di ako makakawala pero nakakahinga naman ako! Parang natatakot ito na takasan ko!

Sabi ko matulog ka! sabi nito! Alam ko gising ka pa nararamdaman ko galaw ng mga mata mo! dagdag pa nito! napangiti nalang ako at sinunod ang sinabi nito!

Wala ka bang balak magtanung!? Bigla nitong tanung sa akin!

Tungkol saan?

Tungkol kay wendy!

Sino yun? Taka kung tanung at itinaas ko ang ulo ko at tumingin sa kanya!

Yung babae na inabutan natin kanina!

Hmmmm yun ba? Bakit kelangan ko magtanung? Wala naman ako sa pwesto para gawin yun! Mahina kung sagot at bumalik ako sa pagkakasiksik sa dibdib niya!

You have all the rights sweety! Sagot nito at niyakap ulit ako ng mahigpit at naramdaman kung hinalikan ako ulit sa bunbunan ko!

Di ako umimik pero nag-iisip ako! I have all the rights? Anu ba nakain nito! Anung karapatan meron ako para usisain kung anu niya iyong babae at kung anu-anu pa tungkol sa buhay niya! 

Chained Heart (Restricted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon