Nagsimula na kami magpractice ng play. Halos wala nang klase araw-araw, ini excuse kami nila ateng 4th year sa mga teachers. Mikay! Si ate Mikay pangalan niya. Puro ako ateng 4th year e. Ang galing nga e, parang barkada lang nila ang mga teachers.
Nakilala ko yung ibang casts galing sa ibang section. Mababait naman, makukulit at maiingay. Kahit ako si Snow White wala akong special treatment, lahat kailangan kumilos at sumunod kay ate Mikay. Kahit mabait 'yon sumisigaw 'yon kapag sumusobra na kami, nagwawalk-out, at umiiyak. Hahaha. Kawawang ate.
Namimiss ko na si Rhie, halos hindi ko na siya makasama. Puro casts ng Snow White ang kasama ko buong araw. Ay oo nga pala! Yung lalaking nag 'hi miss' sa'min at ''yung nagtanong sa pinto ng room namin kung sinong snow white, Hans pala pangalan niya. Ewan ko hindi namin naman siya namamansin. Siya lang ata yung hindi kumakausap sa'kin dito tuwing practice.
Yehey lunch time na, kasama ko na si potpot!
Kumakain na kami ni potpot sa barbeque-han, nang biglang lumapit si Hans. Huh? Akala ko 'di talaga ako nito kakausapin e.
"Hi miss! Ngayon lang kayo kumain dito 'no?" sabi niya, parang nahihiya kasi hindi makatingin nang maayos sa'min.
"Ah oo, pa'no mo nalaman?" nakangiting sabi ni Rhie. Ako sana yung sasagot e hahaha.
"Ngayon ko lang kayo nakita dito. Ako kasi laging dito kumakain e. Ako pala si Hans." nakatingin siya kay Rhie, tapos tumingin rin siya sa'kin. Pero napakasaglit lang.
"Ako si Rhie" inabot ni Rhie ang kamay niya, nakikipag shake hands. Gusto kaya siya ni Rhie? "Siya naman si Mijara" dagdag niya habang nakangiti. Yung ngiting 'yan, pamatay. Maiinlove na siya sa'yo pot sigurado ako!
"Ahhh oo kilala ko yan si Snow White." sinabi niya nang hindi tumitingin sa'kin. "Bakit kaya ikaw ang pinili?" dagdag niya. Hala! Manglalait ata 'to si kuya!
"Ahhhh, hehe hindi ko nga alam e" sabi ko nang nakangiti, pero hindi ko siya tinignan. Natatakot ako sa mga susunod niyang sasabihin. Kumain na lang ako.
"Sige alis na 'ko ha. Nice to meet you, Rhie and... Rhie... Ba-bye Rhie." sabi niya tapos umalis.
Grabe bakit sa'kin hindi nagba-bye. Porke si Rhie lang maganda dito hindi na 'ko kinakausap. "Rhie, gusto mo ba siya? Mukhang suplado siya 'no?" sabi ko.
"Hindi naman pot ah. Okay lang naman siya, unlike nung una natin siyang nameet. Remember? Yung biglang umepal sa pag-uusap natin?" sagot niya sa'kin habang nakafocus ang tingin sa pagkain niya.
"So, gusto mo nga siya pot? Wag ka do'n pot. 'pag naging kayo baka lagi akong ma OP e" sabi ko, nagdadrama lang ako sa kanya pero ikinagagambala ko naman talaga yon e.
"Agad agad pot? Hindi ko siya gusto 'no. At mukha naman siyang walang gusto sa'kin ano bang pinag-iisip mo diyan. Tong batang 'to." sabi nya sa'kin, natatawa siya. Pinagtatawanan niya pagdadrama ko hahaha. Hindi na 'ko sumagot. Kumain na lang kami.
Sa practice ulit ng Snow White, si Hans hindi na naman ako pinapansin. Parang umiiwas pa. Anong problema no'n? Akala ko kakausapin niya na ako kasi ipinakilala na ako ni potpot. Naku nevermind. Bakit naman ako makikipagclose sa kanya, madami naman akong pwedeng kausap dito e.
At last uwian na. Sana hinintay ako ni potpot.
Ayuuuuuuun! Hinintay niya ako sa barbeque-han. Yeheeeeey i love you pot!
"Potpooooooooooooooot!" tinawag ko siya sa excite ko. Hihi. "Hinintay mo talaga ako? Thank you pot!" sabi ko nung medyo malapit lapit na ako.
"Oo naman pot ikaw pa. Halos kakarating ko lang rin naman e. Tara na!" sabi niya habang suot na naman ang pamatay niyang ngiti. Hahahaha.
"Hi uuwi na ba kayo? Sabay ako sainyo pwede?" sabi ng lalaking hindi naman namin kausap, si Hans. Hala tapos ngayon ito kumakausap na naman siya?
"Saan ka ba nakatira? Hanggang sa sakayan lang naman kami magkasabay ni Mijara e" sabi ni Rhie. Ayaw niya siguro sumabay si Hans sa'min?
"Ahhhh taga Bacoor ako. Sige sabay ako sa inyo hanggang sakayan? Okay lang ba?" sabi niya with a im-so-pogi-so-pumayag-ka-na look.
"Ahhh ito si Mijara taga Bacoor oh! Mijara, okay lang ba na sabayan ka niya?" tanong sa'kin ni Rhie na may halong pag-aalala. Nasa isip niya siguro na takot ako or ayaw ko sa lalaking 'to.
"Ah s-"
"Ay 'wag na lang pala! Sasabay pala sa'kin yung classmate ko naku muntik kong maiwan. Pasensya na ha. Sige bab-bye! Ingat kayo! Rhie, ingat kayo!" tapos tumatakbo na siya pabalik sa high school building. Grabe, nadidiri ba sa'kin 'yon?
"Sige bye. Tara na pot?" sabi ni Rhie. Tumango na lang ako at naglakad na.
Naiinis na 'ko sa kanya ha. Ang weird niya. Ay hindi siya weird, ag choosy niya. Bakit gano'n, 'pag practice hindi siya lumalapit sa'kin, hindi rin ako kinakausap. Pero 'pag... ah! Baka naman. Gusto niya si Rhie. Oo siguro nga gusto niya si Rhie kaya lumalapit siya kapag kasama ko si Rhie, tapos 'pag wala si Rhie, parang hindi ako kilala. Now I know pero... Hindi naman dapat gano'n. -.-
---
Hi sorry kung ang tagal ng past scenes ha. ^_^
---

BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Teen FictionWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?