Umaga na naman at papasok na 'ko sa school. As usual, may narinig na naman akong "chuchaaaaaaaaaaay!" bago pa makapasok sa gate ng school. Grabe nagtataka na nga ako bakit lagi ko siya nakakasabay e sa gate e. Pero okay lang ngayon kasi bestfriends na kami :))
"Good morning, chimoy!" bati ko sa kanya pagtawag niya sa'kin. Nginitian ko siya :)
"Morning" matamlay niyang sabi. Tapos nauna na maglkad. Huh?
"Huy. Akala ko ba bestfriends na tayo? Bakit masungit ka sa'kin? Ganyan ka ba maging bestfriend? Akala ko babawi ka sa'kin?" kinukulit ko siya. Weird kasi e.
"Oo nga sabi ko lang hindi na kita lalaitin 'no. Una na 'ko sa'yo bagal mo maglakad e" sabi niya habang ginugulo 'yung buhok ko. Hmp ang hirap hirap magsuklay e!
Pinabayaan ko na lang siya. Baka may morning sickness 'yon?
Nung lunch time kasabay namin siya pero iba na aura niya. Energetic na siya. Kasama na kasi namin si Rhie e. Naku talaga 'tong kumag na 'to may pinipiling tao ang mood ah. Nag-aya siyang gumala mamayang uwian. Treat niya daw, kaya tatanggi pa ba kami? Hahahahaha. Nagkasundo kami na gagala at ittreat niya kami tuwing friday. Monday at Friday sana kaso may meeting sa Journalism si Rhie tuwing Monday e.
Iniinis pa rin ako ni Hans pero hindi na panlalait. Okay na 'yon. Unti-unti siguro magbabago na siya hahaha. *cross fingers. Nanunuod kami ng mga nagbabasketball nang may lumapit sa'ming lalaki, suitor ko na naman. Pero hindi si Philip.
"Hoy. Nililigawan mo 'to? May putok 'to e! Alis na. Shupe!" pambubully ni Hans. Grabe 'to! >.<
Nakatunganga lang yung lalaki. Second year din ata 'to e. Ang tagal niyang nakatingin lang kay Hans. Tapos sa'kin. Tapos umalis na. Naniwala ata. O_o
"Bakit mo sinabi 'yon chimoooooooooy!" pinapalo ko siya ng notebook ko. "Akala ko ba hindi mo na 'ko lalaitin! Ang sama mo baka naniwala yoooooooon!" palo pa rin ako nang palo.
"Hindi katiwa-tiwala yung mukha e. Wag ko 'don. Hayaan mo maniwala para hindi ka na kulitin" sabi niya lang. Parang hindi nararamdaman yung notebook ko.
"Bakit ka ba nangingialam ano ba 'yan Hans!" nilakasan ko na yung pagpapalo ko ng notebook.
"Aray masakit na ha. Magtiwala ka na lang sa'kin okay? Bestfriend?" tumingin siya sa mga mata ko pagkasabi niya ng 'bestfriend' pero tumingin agad ulit sa mga nagbabasketball. Wow, sincerity for 1 second. Achievement na naman!
Hindi na 'ko nagsalita. Mukha naman talagang hindi seryoso yung manliligaw. Pero kahit na 'no, baka mukha lang 'yon. Pero hindi na rin ako nagsalita, naramdaman ko naman yung concern niya. Bestfriend :)
"Magbestfriend kayo? Ha? Kailan pa? Pa'no?" late reaction naman 'tong si potpot ko hahaha. Ano isasagot koooo? Yari.
"Ahhhh. Kahapon lang. Sabi niya gusto niya daw ako maging bestfriend e. Gusto daw niya ng bestfriend na pogi hahahahaha" paliwanag niya habang nakatingin pa rin sa mga naglalaro. Wow ah ako pa may gusto nito?
BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Novela JuvenilWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?