Chapter 13

1.9K 32 4
                                        

"Hans...

May gusto ka ba sa'kin?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Napahinto ako sa pagddrive. Buti hindi mabilis takbo namin. Hindi naman ako bihasa talaga magdrive ng motor 5 months pa lang ata ako nag-aaral magdrive at wala nga akong license e pero hindi naman kami lalabas ng high way kaya okay lang.

"Ahmmm. Hehehe bakit mo nasabi?" sinabi kaya sa kanya ni Mijara. Naku naman.

"Ahhhm. Wala kasi... Inaasar ka sa'kin ni pot?"

"Ahhh wala yon baliw yon e hahahahaha" magsisimula na sana ulit ako mgdrive.

"Umamin ka sa'kin. Alam kong may mga bagay na hindi ko alam sa pagitan niyo ni pot Hans"

This time tinanggal ko yung helmet ko muna.

Mukhang kailangan ko sabihin sa kanya.

Sasabihin ko na.

"Kumapit ka muna ulit" pagkakapit niya sa'kin ulit pinaandar ko yung motor ko ulit. Dinala ko siya sa court na pinuntahan namin ni Mijara.

"May kailangan akong sabihin sa'yo. Makinig ka sa'kin saglit lang 'to." tapos dinala ko siya sa bench din na inupuan namin ni Mijara.

Tahimik lang siya. Siguro curious na curious siya.

Pagkaupo namin...

"Rhie. Sorry kung nadamay ka dito ha?" pasimula ko.

"Ano kasi.. 'di ba... inaya ko maging bestfriend si Mijara... tinatanong niya kasi kung bakit ko siya ginawang bestfriend..."

Tiningnan ko siya. Nakatingin lang siya sa'kin. Inalis ko muna yung tingin ko sa kanya bago ko sabihing "ang sabi ko sa kanya, gusto kasi kita".

Ang tagal ko bago magsimula ulit. Hindi ko na alam yung susunod kong sasabihin.

"Hmmmm. Pero ang totoo, si Mijara yung gusto ko, nung una ko pa lang kayong nakita." nakapagsalita na rin ulit ako.

Tinignan ko siya, nakayuko siya.

"Kaya pasensya ka na kung nadadamay ka, Rhie. Hindi ko lang talaga maamin kay Mijara! Pero pls wag mong sasabihin sa kanya. Hindi ko pa kaya. Baka ireject niya ako. Baka layuan niya ako."

Hindi siya sumasagot.

"Rhie?"

"Ahhh gano'n pala yon e. Tara na kailangan ko na kasing umuwi e" tumayo na siya at naglakad papunta sa motor. Ni hindi hinintay na makatayo ako.

Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon