Chapter 39

1.5K 20 4
                                        

Thursday na, Valentine's day na, hindi ko pa rin alam kung sa'n ako pupunta mamaya.

Sa labas ng school, maraming nagtitinda ng mga bulaklak at kung anu-anong panregalo. Umaga pa lang marami nang nagbibigayan ng mga bulaklak, pillows, chocolates, at kung anu-ano. Ngayon lang ako nainggit sa mga 'to. -_-

Pagpasok ka sa room yung iba sa mga classmates kong babae may hawak nang bulaklak. Ang aga naman ata dumiskarte ng mga tao ngayon?

May magbibigay kaya sa'kin ngayon? Sino kaya magbibigay?

Hays sige hindi talaga 'yan ang nasa isip ko. Alam kong imposible pero... sana bigyan niya ko ng flower. Kahit yung pitas lang dun sa labas.

Pero magkaaway kami e. Kahit flower of friendship imposibleng mabigyan niya ko. -_-

Hays. Ngayon lang ako naghangad na mabigyan ng flower ng isang tao. TT_TT

Dumating na si Rhie, may hawak nang bulaklak. Sino kayang nagbigay? Siguro si Hans. Malamang niyan si Hans ang nagbigay.

Mga recess time,  habang natutulog ako. Kinalabit ako ng isa kong classmate. May inabot siya sa'king chocolate galing daw kay Philip. Paheart yung lalagyan e, tapos may mga bilog bilog na kulay gold. Ano 'to? Ferrero Rocher? Ang kumplikado naman ng pangalan.

Ang sarap. XD

Hays kahit pa'no napagaan naman yung pakiramdam ko ng chocolate. Hahahaha. Hays. Siguro kung sa kanya na lang ako sumama mamaya, gagaan rin naman kahit pa'no yung nararamdaman ko.

Malapit na mag-uwian. Sabi ko kanina kay Philip na lang ako sasama, pero hindi pa rin talaga ako sure. Nagdadalawang-isip pa rin ako. >_<

Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon