MIJARA'S POV
Whew! Buti nagbell! Grabe hindi pa ko handang aminin kay pot na gusto ko si Hans. Pa'no na lang kung manligaw sa kanya ulit si Hans, baka hindi niya sagutin dahil sa'kin. Hindi ako papayag no'n. Kawawa naman si Hans.
At hindi ko pa rin pwede sabihin sa kanya na siya talaga dapat ang liligawan. Baka may bagong plano si Hans para sa pag-amin niya tapos masira ko na naman. Hays. Ang hirap. Kahit naman nainis ako kay Hans sa ginawa niya nung valentine's, bestfriend ko pa rin siya. Alam ko balang araw maibabalik rin namin yung friendship namin. Sana sa time na yun, sila na ni Rhie, at may love life na rin ako para wala nang problema.
Gusto ko siyang makausap pero hindi ko pa alam ang sasabihin ko...
Buti nung uwian nakalimutan na ni Rhie yung mga pinag-usapan namin nung lunch! Hahahahahaha akala ko kukulitin niya pa rin ako e. Hahahahaha hays salamat kahit pa'no naging worth it ang pagpasok ko. Bati na kami ni potpot. Okay na 'to. Saka na siguro ayusin yung sa'min ni Hans.
HANS' POV
Di ko makalimutan yung sinabi sa'kin ni Rhie kaninang lunch...
*flash back
Ako: Tinuloy ko panliligaw ko kay Mijara nung Thursday e.
Rhie: Talagaaaaa? Akala ko umalis sila ni Phili no'n? Sinundo siya ni Philip sa room e.
Ako: Oh? Ewan ko basta dumating siya do'n e.
Rhie: Oh anong nangyari? Kayo na? S.O. kayo?
Ako: Anong S.O.?
Rhie: Hindi mo alam yun? Secret on? Yung kayo na pero hindi niyo pinagsasabi?
Ako: Kung magiging kami ipagmamalaki ko nu ba't ko itatago?
Rhie: Bawal kaya relationship dito sa school!
Ako: Pwede! Bawala lang PDA!
Rhie: So ano ngang nangyari... Kung hindi kayo S.O.... Basted kaaaaaaaaaaaa?
*boingk!
"Sorry ate..." napatingn ako sa nagsalita. Alam ko kung kaninong boses yun!
Rhie: Mijara...
Tumingin sa'kin si Mijara. Naiilang ako. Hindi ako makatingin nang maayos. Kakausapin niya kaya ako? Hays, bakit gano'n? Akala ko pag nakita ko siya maaalala ko lang yung sakit. Pero ba't ganun, tulad pa rin ng dati, gusto ko siyang kausapin, lapitan, at kulitin? Hays.
"Ah. Uy. Hehehe. Bye!" ^_^ umalis na siya.
Ako: Bati na ba kayo no'n?
Rhie: Hindi pa kami nakakag-usap. Pero hindi na ko galit. So ano nga? Basted ka baaa?
Ako: Oo na basted na. Ts ingay mo.
Rhie: Ba't gano'n? Alam mo ba kung bakit nakausap ko si Philip sa cp niya nung nag-away kami? Kasi nag CR siya no'n. Halatang nagselos nung sinabi kong tinatawagan mo ko.
O______O
Tumingin lang ako kay Rhie. Yung tingin na parang hindi naniniwala.
Rhie: Oo swear talagaaaaa! Hindi ako nag iimbento!
*end of flashback
Hays. Kung totoo man yung sinasabi niya bakit hindi niya ko sinagot, di ba?
Baka akala lang ni Rhie nagselos yun. Baka natatae lang yun, mukha lang talaga siyang disappointed ag natatae. Hays. Ewan. Kailan ko kaya siya ulit makakausap. Ang awkward. Minsan iniisip ko dapat hindi na lang ako umamin. Edi sana ngayon nakakapag-usap pa rin kami or nagtetext. Closeness ko sa kanya ang isinakripisyo ko't nawala. Sayang...
"Pre move on na!" sabi ni Ken sa'kin. Alam nila yung nangyari nung Thursday, katulong ko siya, si Troy, Charlie, at isa pa naming classmate magprepare do'n. Sila yung nag-aabot kay Mijara ng mga roses.
"G*go."
"Ah nag*go pa ko ikaw lang diyan pinapayuhan. Bahala ka diyan uuwi na ko!"
"Pakyu umalis ka na nga" oo nga pala cleaner ako pero nakaupo lang ako dito sa room nalinis na nila lahat. Naglilinis sila ako pa flashback flashback lang dito. Wahahaha. Makauwi na nga...

BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Novela JuvenilWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?