Chapter 11

2K 37 4
  • Dedicated kay Cai Santos
                                    

"Chuchaaaaaaay?" sabi ni manang na nasa kusina.

Nagkatinginan kami ni Rhie. Ako kaya yung tinatawag ni manang?

Tumingin ako sa kusina. Nakita kong nakasilip siya sa bintana na nasa kusina.

"Bakit manang?" may sumagot mula sa likod ng bahay nila.

Takang taka na ako. Gusto kong malaman kung sino yung chuchay dito sa bahay nila.

"Halika muna dito anak may bisita kapatid mo" sabi ni manang.

Ahhhh kapatid ni Hans?

Maya-maya nakita ko na pumasok yung babae mula sa pinto na nasa bandang kusina. Nakabalot siya ng tuwalya tapos naka shorts at bikini bra. Basang basa siya. Ang sexy niya, may katangkaran. Siguro kasing height ni Rhie. Mahaba ang buhok na may kulay, brown ata. Tapos ma cute. Nakangiti agad sa'min. Yung mga mata niya parang nakangiti rin! :3

Napangiti agad ako. Lalo pa nung naisip kong... may swimming pool sa likod! Woooooo!

"Mga ganda ate ni Hans... si Summer" nakingiting sabi ni manang habang nakatingala sa ate ni Hans. Maliit rin kasi si manang parang ako.

"Hiiiiiiiiii!" nag hi siya gamit dalawang kamay niya ahahaha mukhang mabait siya. Mature na itsura niya siguro 18 years old siya pero mukhang makakasundo namin.

"Good afternoon po!" sabi namin ni Rhie na nakangiti.

"Ako si Summer Haylee, kayo?" sabi niya nung umalis na si manang bumalik sa kusina.

"Im Rhie po" nakipag shake hands siya kay ate Summer. Very friendly talaga 'tong si Rhie.

"Ikaw?" tumingin naman sa'kin si ate.

"Mijara po" ^_^

"Ang gandang pangalan ah. Ang ganda niyong dalawa ahhh. Sino sa inyo girlfriend ni Hans?" sabi niya nang nakapamewang.

Tahimik lang kami ni Rhie. Hahahaha. Napapangiti ako. Bakit lahat sila tinatanong kung sinong gf sa'min? Hahaha.

"Kumain na ba kayo? Kain kayo ha? Magshoshower lang ako" paakyat na siya sa taas. "At tsaka hintayin niyo yung kapatid pa naming isa ha. Magugustuhan kayo non!" dagdag niya nung nasa hagdanan na siya. Ngumiti lang kami ni Rhie.

"Ang sexy niya no pot?" bulong sa'kin ni Rhie.

"Oo ngae. Ikaw rin naman ah!" sinundot ko tagiliran niya.

Pinalo niya lang ako nang nakangiti hahahahaha. Cutie cutie pot.

Maya-maya sabay na bumaba si ate Summer at Hans. Parang inaasar ni ate Summer Hans kasi puro "wag ate!", "wag ka maingay ate!" naririnig ko kay Hans hahaha. Siguro sinabi niyang crush niya si Rhie. Nagtatawanan sila habang bumababa. Mukhang close sila.

Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon