---Hi hi hi thank you sa mga laging nag-aabang ng updates ko especially Pat Mercado, JV Arciaga, and Jen Yazon :)))
---
MIJARA'S POV
New year's eve na pala mamaya!
Ahahaha nakatulugan ko pa si chimoy kagabi.
To: Chims
good morning chims mga 3pm ako pnta jan
Buti nga pinayagan ako ni nanay na hindi dito mag new year. Ang kaso maglalakad lang ako papunta kina Hans, walang binigay sa'kin na pamasahe.
*totooooot, totoooooot (message ringtone)
From: Chims
Good morning. Talaga? Pinayagan ka na? Sige sunduin kita sa pinaghahatiran 'ko sa'yo
Nagsimula na 'kong kumilos. Bago umalis ng bahay pinaglinis pa ako e. Mga 2:30pm nagpaalam na 'ko kina nanay.
"Nay alis na po ako..."
"Kailan mo naman balak umuwi?" sabi ni nanay.
"Nay kung gusto mo po pag wala nang putukan uuwi na ako"
"Ikaw ang bahala malaki ka na" tss si nanay hindi ko alam kung ma pag-aalala o wala e. Parang napilitan lang -.-
Tinext ko na rin si Hans na papunta na 'ko.
"Ate... alis na 'ko"
"Ingat be" sabi ni ate ko, si ate Yara. Malambing siya sa'kin. Tinuturing ko rin siyang bestfriend. Kaya kahit ganyan yan si nanay bawing bawi naman ni ate. Pero kapag wala si ate dito sa bahay parang ayoko umuwi dito. Si nanay kasi... parang napilitan lang na ipanganak ako -.-
Naglakad na 'ko papunta dulo ng village. Hanggang do'n lang ako naihahatid ni Hans e.
Mga 2:40 nakarating na 'ko sa meeting place. Ando'n na agad siya. Ang bilis!
"Aga mo chimoy ah" ^_^
"Mabagal ka lang 'no. Ano ba 'yang suot mo? Parang bibili ka lang ng ice water ah"
Hays. Anubayan pati suot ko pinansin. Pasensya naman wala akong mga bagong damit. Pang-alis ko na talaga 'to yung nga lang luma na >.<
"Sakay na" sabi niya sa'kin habang inaabot yung helmet na gagamitin ko.
Pagkarating namin sa bahay nila, wala ang mommy, daddy, at ate niya. Bumili raw ng mga handa nila, e pagkakita ko ang dami nang nakaprepare na pagkain tas may niluluto pa nga si manang e. Tas bumibili pa sila? Para namang ang dami nila dito. Pag may pera talaga..

BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Teen FictionWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?