Chapter 27

1.7K 20 1
                                        

Hi guys!

I'm afraid that I might not be able to update this week, may quiz kami everyday. This MIGHT be my last update for this weekend. TT.TT

Baka sa friday na ulit. Pero kung may chance, siyempre mag-uupdate ako kahit wala pang friday :)

---

HANS' POV


Ito na ang araw na pinaghahandaan ko...

Sasabihin ko na...

Aaminin ko na...

Pero hindi kay Mijara, sa ate niya, si ate Yara.

Birthday na naman kasi ni Mijara at sa awa ng Diyos hinandaan siya ng ate niya. May pera na ang ate niya dahil may kaya ata ang papa niya.

Si Mijara sinundo daw si Rhie sa SM. Kaya pagdating ko dito, ate at nanay niya lang naabutan ko. Inapproach ako ni ate Yara, at tinanong kung gusto ko daw ba si Mijara. Nasabi kasi ng nanay nila na ako yung naghatid kay chuchay nung JS.

"Opo ate. Pero wag niyo po sana sabihin?" nahihiya ako sa ate niya pero inamin ko na rin baka mabigyan ako ng advice

"Talaga? Bakit ayaw mo siyang ligawan? I mean, hindi kita kinukunsinte ha. Bata pa kayo. Pero nagtataka ako bakit hindi mo siya nililigawan, at bakit ayaw mo sabihin?"

"Hindi ko pa po kaya"

Tawa siya nang tawa. Parang gusto kong magtalukbong sa hiya. >.<

"Pero kamusta naman? Hindi ka ba natatakot na baka maunahan ka ng iba?"

"Natatakot po. Pero alam ko naman kung sino mga nanliligaw sa kanya. Kilala ko po kung sino mga nakakasama niya" sana nga alam ko lahat sa kanya.

"Sigurado ka ba?"

"Ahm.. sabi niya rin po wala siyang crush"

"E baka ikaw ang crush niya?"

Napangiti ako nang di oras. Pero pag iniisip ko, parang hindi naman ako.

"Mukhang hindi ate e, kasi tinutulungan pa nga niya ako sa bestfriend niya e. Akala niya yun ang gusto ko"

Tawa na naman siya nang tawa.

"Malay mo lang di ba. Pag-"

Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon