Thank you sa magandang feedback sa last chapter Pat Mercado and JV Arciaga :)))) Dahil sa inyo ginaganahan ako mag update bwahahahahaha.
Hi readers timmmpossible, Loreiiin, FrancelleMareeLimLea, ayogeegee :))
Ang chapter na 'to ay summary ng junior life nila. :)
---
HANS' POV
Nung bday ni Mijara, masaya ako kasi napasaya ko siya. Ngayon mas maiintindihan ko na yung mga bawat kilos at emotion niya kasi alam ko na yung tungkol sa pamilya niya.
Nung bday niya pinilit ko, pinilit kong iparamdam yung pagmamahal ko. Kahit papa'no alam ko sa sarili ko na nagiimprove ako. Alam kong naiilalabas ko na yung mga gusto kong sabihin. Nagagawa ko na yung mga gusto kong mangyari. Pero hindi ko talaga alam kung nararamdaman niya na.
Ilang beses niya 'ko niyakap no'n! Hahahahaha. Bday niya pero paranng bday ko sa sobrang saya ko. Nagsayaw pa kami t*ngina nanginginig pa kamay ko no'n sa kaba hahahahaha bwiset.
Pati bago siya umuwi niyakap na naman ako, hindi na naman nga ako makagalaw at makapagsalita. Pero sana yakapin pa niya 'ko nang yakapin para masanay na 'ko. Hahahahahaha XD
Nagpasukan na last week, tapos kahapon, June 8, ako naman ang nagbirthday.
Balak ko sanang itreat nga tropa ko, kasama si Mijara... at si Rhie kung sasama siya.
Kaso nagdalawang isip ako kasi kung kasama ko si Mijara, pati tropa ko, baka sa mga tropa ko pa niya malaman! Delikado yun. Kaya mga tropa ko lang ang natreat ko, pero nangako ako na ililibre ko rin sila... o siya lang.
Pero wagi pa rin ang birthday ko kasi binigyan niya ko ng sulat:
Chimoy chimoy!
Happy happy birthday! Sorry wala akong pera, kaya letter na lang huh? Alam mo naman yung buhay ko. :)
Hindi ko pa rin makalimutan yung bday ko chimoy. Hanggang ngayon masaya pa rin ako dahil sa ginawa mo para sa'kin. Tsaka si Rhie nga pala, nagtthank you kasi dahil daw sa'yo nabati niya ako. Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiie!
Chimoy chimoy pakasaya ka rin ngayong bday mo ha? Pakabait ka na! Hahaha.
Magtiwala ka rin sana sa'kin tulad ng pagtitiwala ko sa'yo. Alam kong nahihirapan ka na pero 'wag ka pa rin susuko ah go go go pa rin tayo tutulungan kita kahit anong mangyai :)))
Happy birthday! :*
Lablab,
Mijaratot.
At siyempre, nakatago na 'yan sa wallet ko. Ittreat ko na lang siya mamaya. Mag red ribbon kami, alam kong gustong-gusto niya ang cake. Hahahahaha.
BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Teen FictionWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?