Saglit na lang nakapag stay si potpot sa library. Bago mag 10am umalis na siya. Nasa ibang building ang library e. Na amaze na naman ako kasi napaka organize ng school na 'to. Yung Admission Office, Office of Student Affairs, Registrar's Office, Office ng Student Council, Canteen na mala restaurant, Clinic, Library, at iba pang serbisyo na kailangan ng estudyante ay nasa isang building lang. Hahaha nakakatuwa. Kaya kapag nalason ka sa canteen makakarating ka agad sa clinic at pwede mo na rin isumbong sa OSA yung taga luto. Hahahaha.
Nandito ako ngayon sa library nagbabasa ng book ng mga trivia. Mga quarter to 11 alis na 'ko dito kasi may pasok ako nang 11am.
"Ayyy!" napa 'ay' ako nang mahina lang naman kasi nagulat ako dahil may nagsaboy ng pulbos sa gilid ko. Nasa tabi kasi ako ng bintana na transparent glass. As in nakasandal pa yung ulo ko sa bintana tapos nagulat ako dahil biglang namuti yung bintana sa part ko. <('o')>
Napatingin ako sa mga tao dito sa library baka kasi narinig nila ako. Buti ang nakarinig lang sa'kin ay yung mga katable ko. Nagsorry naman ako sa ingay na nagawa ko.
Pagtingin ko ulit sa bintana, may nakadrawing na na heart...
Heart?
Heart na parang dinrawing mula sa daliri.
Kinakabahan na talaga ako. W-E-I-R-D. >_<
Lumipat na lang ako ng upuan. Lumayo ako sa bintana. As in do'n ako pumunta sa table na malapit na sa librarian ewan ko na lang kung may manggulo pa dito. Pwera na lang kung weird din yung librarian ah.
Kumuha ako ng panibagong libro. Libro ng mga jokes. Hahahahaha ayoko muna magbasa ng fiction mabibitin lang ako.
Hahahaha yung ibang joke corny. AY hindi karamihan pala corny. Sus kala ko naman manginginig ako sa kakapigil ng tawa dito. Nubayan. Hahahahaha.
BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Teen FictionWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?