So ayun nga, napapayag niya ako maging bestfriend niya. Ba't ba bigla nangulit 'yon? Ay ito nga pala kami ngayon sa Casa Reyes, kumakain.
"Bakit ba bigla ka na lang nangulit at gusto pa 'ko maging bestfriend?" paumpisa ko sa conversation namin. Nagtataka talaga ako e.
"E pa'no mo nasabing basagulero ako at tamad mag-aral?"
"Ts. Sana sinasagot mo muna yung tanong ko?" nakasimangot na 'ko sa kanya.
"Basta"
"Yan pa lang ang tanong ko nililihim mo na. Ganyan ba ang mag bestfriend?" sabi ko. Ang sarap ng pagkain dito. Java rice! Lalong pinasarap kasi libre!
"Kasi ano... gusto kita maging bestfriend" sagot niya nang mahina.
"Ay susko. Yan nga yung tinatanong ko e kung bakit mo 'ko gusto maging bestfriend? E 'di ba lagi mo 'kong nilalait? Lagi mo 'kong inaasar? 'di ba?" sabi ko. Pilit kong kinukuha atensyon niya kaya nakaharap na 'ko sa kanya. Magkatabi kasi kami kumain.
Hindi niya ko pinapansin. Nakakainis kain lang nang kain! TT.TT
"Wala kang balak kausapin ako? Aalis na 'ko..." tinatakot ko lang siya.
"Teka... Teka.. Ito na... Hmmm promise mo kapag sinabi ko bestfriend pa rin tayo?" kain pa rin siya nang kain. Ganto ba talaga to kausap? hindi tumitingin sa kausap?
Dahil sa curious talaga ako sa trip niya, "oo na promise na".
"Gusto ko kasi si Rhie e. Wag mo sasabihin ah?" sabi niya nang hindi pa rin tumitingin sa'kin.
"Ahhhh. E ano naman? Kailangan mo ng tulong? Kahit hindi tayo bestfriends tutulungan na lang kita." sagot ko. Hindi na rin ako nakatingin sa kanya. Nadisappoint ako sa reason niya. Napakababaw. Akala ko naman kung ano. Akala ko gusto niya talaga akong maging BESTFRIENDS. Yung totoong bestfriend. Hindi pala. Si Rhie lang siguro magiging totoong bestfriend ko sa mundo. Pati ate ko.
"Hindi! Gusto ko bestfriend pa rin tayo. Promise chuchay, hindi na kita lalaitin. Sorry ah kung lagi kita iniinis. ang sarap mo kasing inisin e, lalo na nung hindi ka na umiiyak. Hahahaha." tumatawa siya habang panay ang subo ng kanin. This time, tumingin na siya sa'kin. "Pero promise chuchay, babawi ako sayo" pagkasabi niya no'n kumain na ulit. Whew, naging sincere lang siya nang 5 seconds! Achievement!
"Aasahan ko 'yan chimoy" sabi ko nang nakangiti. Pero hindi ako sa kanya nakangiti, sa pagkain. Yum yum!
"Oh ano, bakit mo sinabi kanina na basagulero ako at tamad mag-aral?" hirit niya. Naalala niya pa rin!
"Wala lang. Tamad ka naman talaga 'di ba? Palibhasa mayaman ka e."
"Huy hindi ako tamad, hindi lang talaga ako matalino. Palibhasa matalino ka e. E ba't ako basagulero? Hindi ako basagulero ah?"
"Hindi ba? Hehehe Nakita ko si Philip binubully nung isang araw. Tsk tsk" oo nakita namin siya na kinuha yung flowers na dala ni Philip. Tahimik na tao si Philip kaya hindi lumalaban. Mag-iisang taon na kamong nanliligaw sa'kin 'yon! Nasabi ko na sa kanya na ayaw ko pero bigay pa rin nang bigay ng bouquet. Palibhasa barya lang sa kanya ang gastos.
"Nakita niyo?" nagulat siya.
"Opo..." sabi ko. "Ano, bakit mo siya inaaway? Alam mo, hindi naman manliligaw ni Rhie 'yon e. Manliligaw ko 'yon, kaya 'wag mo na siyang galawin."
"Ahhhh oo nga kasi nililigawan niya si Rhie nakakainis ayaw siya tantanan kaya ko kinuha yung bouquet. Ikaw pala talaga nililigawan niya?"
"Oo bakit kasi ayaw mo maniwala... Ay nga pala dalian natin babalikan ko pa si Rhie sa school matatapos na yung meeting nila baka maghintay 'yon nagpapahintay pala 'yon sa'kin!" inaaya ko na siyang tumayo.
"E ba't kanina sa school parang pauwi ka na?"
"Nakalimutan ko sa sobrang yamot ko sa'yo tara na dali chimoy!"
Tumayo na rin siya habang umiinom pa ng iced tea. Nagmamadali kaming makalabas sa mall para maabutan si Rhie. Ayun wala akong ginastos kahit piso. Lahat sagot nya! Mukhang babawi nga siya. ^_^
Nasalubong namin si Rhie naglalakad na sa labas ng school. "Potpooooooooooot!" tumatakbo na kami ni Hans.
"Pot? Sa'n kayo galing ba't magkasama kayo?" sabi niya. Nagulat talaga siya nung nakita niya kami. Mukha niya buong buo! Hahahaha.
"Ah wala bumawi lang siya sa lahat nang ginawa niyang kasalanan sa'kin" ^_^ "Pot sorry kung naghintay ka ha. Sarap ng kain e! Tara na?" hinawakan ko na kamay niya para maglakad na.
"Ang daya niyo 'di niyo ko sinama. Hans! Next time isama mo naman ako! Ang daya niyo. Baka kayo na?"
"Oo naman ikaw pa!" sabi ni Hans.
Tawa ako nang tawa. Hahahahaha. Hindi niya alam siya ang gusto ni chimoy. Well, bawal daw sabihin. "Hindi 'no! hahahahha ang adik mo! Sakay ka na jeep potpot!"
"Oo sige. Mag-iingat kayo ah? Hans, ingatan mo si pot ah? Ba-bye sainyo. Bye potsssss" tas nagbeso siya sa'kin. Kami na lang ni Hans. Ako na naman nagsimula magsalita. Biglang tahimik 'tong lalaking 'to.
"Chimooooy... kailan ka manliligaw?"
"Haaa? bakit ako manliligaw?"
"Gusto mo si Rhie pero wala ka balak ligawan?
"Ahhhhhh. Hindi ko pa kasi napagpaplanuhan e."
Pagsakay namin ng jeep hindi niya na ako kinakausap. Ako wala na rin masabi. Parehas kami ng binababaan sa Bacoor, pero siya sasakay pa ng tricycle. Ako lalakarin na lang, wala na 'kong pamasahe. Sinabi ko na lan sa kanya na malapit lang ako. Pero hindi man lang siya nag-aya maghatid! Pero okay lang hindi naman ako papahatid e.
Pero akala ko babawi siya?
Ah siguro sa pagkain lang siya babawi. Pwede na rin. ^_^
---
Hi hi hi to my dear readers! may kutob na ba kayo sa mga mangyayari? hihihihi ^_^
Ako wala pa. hahahahaha. abangan na lang po ang malaking pasabog sa mga susunod na chapters. *3*
Saka na po ang pictures ng ibang mga casts ha? :)
---
BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Teen FictionWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?