Chapter 8

2.2K 41 5
                                    

MIJARA'S POV


It's monday and wala si potpot. Absent. Bakit kaya? Nalulungkot ako :(. May sakit kaya siya? Wala pa naman akong cp. 1hour pa lang ang nakalipas mula nang nagsimula ang klase pero pakiramdam ko 5hours na. Bagal ng oras hays. Di ako sanay na wala si potpot.

"Ate Serah may number ka ni Rhie? Pwede mahingi ate?" daldal ko kay ate Serah habang nagkakalase si ma'am. Biology ang subject namin.

"Ah oo wait" kinuha  niya cp niya, tas patagong nagpindot pindot. Maya maya inabot niya sa'kin. Kumuha ako ng papel para isulat.

"Salamat ate!" binigay ko na sa kanya pagkasulat ko. Tinago ko ung kapirasong papel sa loob ng id case ko para hindi mawala yung number sa'kin ni pot.

10am pa lang, 2 hours pa hihintayin para sa lunch e gusto ko na matext si Rhie. Ayoko naman makitext sa mga classmates ko baka ibigay lang sa'kin yung cp nila e hindi nga ako marunong gumamit. Baka majudge lang ako.

Ah! recess ngayon nila Chimoy! Nagpaalam ako kay ma'am na magsi CR. Pero pupunta talaga ako sa room nila Chimoy.

"Si Hans po?" tanong ko sa babaeng nasa pinto ng room nila nakatayo.

"Hans daw" sigaw niya lang sa loob.

Tapos sunod sunod na yung sigaw.

"Hans may naghahanap sayo!"

"Asan daw si Hans!"

"Pakitawag nga si Hans!"

Hahaha napakacooperative ng mga classmates niya. Yung babaeng nasa pinto tiningnan ako mulo ulo hanggang paa. Hala ano ba yan -.-

"Ano mo si Hans?" sabi niya.

"Ah e, wala!" ^_^

"Ikaw ata yung crush niya e? Nililigawan ka ba niya?" sabi niya sakin. Mukha siyang mataray, pero hindi naman mataray yung pakikipagusap niya sa'kin.

 "Hala hindi ako yun magbestfriends kami ni Hans ate! Hihi" pinilit kong ngumiti pero naiilang ako. May gusto siguro to kay Hans. Hays napagkamalan pa 'kong nililigawan ni Hans.

Ang tagal naman niya lumabas? Gusto ko na matext si Rhie :(

Pagsilip ko sa loob, nakita ko siya nakaupo lang pero kinakalabit siya ng mga lalaki. Ayun! Nakita niya na ako!

Dali dali siyang tumayo. Nanlaki mga mata niya. OA naman nito ni Chimoy hahaha. Parang pinuntahan lang sa room e.

Tumakbo siya papunta sa'min. Tapos pinapasok yung mga babae sa pinto. Ang bully kahit sa mga babe -.-

HANS' POV

Hays 9:45 am pa lang, recess pa lang namin. Gusto ko na maglunch para makausap ko na ulit sila Mijara. Hindi naman kasi sabay ang recess namin, 10:15 ang recess nila, kaya tuwing lunch lang ako nakakasama sa kanila. Eto tambay lang sa room, soundtrip habang nakapatong ang mga paa sa upuan sa harap ko, relax mode. d(-.-)b

Maya-maya may kumalabit sa'kin, si Charlie. Pagtingin ko sa kanya may tinuro siya sa pinto.

Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon